Kabanata 1

651 13 5
                                    

Pag binasa nyo to, please naman, with emotions!!! Kahit sa utak lang. xD Haha, para masaya at mafeel nyo ung dapat mafeel. xD Anyway, first tagalog story ko to sa wattpad. Kung gusto nyo ng english at matinong story, punta kayo sa isa kong account. ang name ko ay pennamed.

warning: The events here have a pattern called "Come what may..."

KABANATA 1

Oh no! Oh no! Oh no! No! No! No! Patay na! Kasalukuyan akong tumatakbo para sa buhay ko kasi may mamamatay-tao na humahabol sakin. Joke. Hindi mamamatay-tao. Yung may-ari ng pawn shop, plus yung guard, plus yung isang...customer?

Bakit? Kasi naisahan ko sila! Aba! Minsan lang ako nagiging successful sa pagkuha ng alahas! Unfortunately, hindi ito isa sa mga success ko. Siyempre, nahuli nila ako eh. Kaya isa lang ang solusyon sa mga ganitong pangyayari: tumakbo!

Kagat-kagat ko yung diamond ring na hinablot ko mulasa pawn shop. Feeling ko talaga super coated na sya ng laway ko. Yuck. Well, medyo sanay na naman ako eh. Tuwing maliliit na bagay kasi ang target ko, tinatago ko sa bibig ko. Kasi kapag ganun, hindi madaling mapansin at hindi rin madaling madetect ng sensors.

Nasa mall kasi ako. Ngayon, pumasok ako sa department store, tapos pagtingin ko sa likod, nandun parin yung mga persons na humahabol sakin. Hay, sana madapa naman sila! Kaso mukhang nadagdagan yata sila ng isa pang guard! Or... teka, pulis na yata.

Well, sorry sila kasi super bilis ko tumakbo. Isa pang positive side nito ay hindi nila alam yung mukha ko. Naka-hoodie ako at not once ako nagpakita ng super precious face ko sa surveilance camera. Ganun ako ka-pro sa ginagawa ko.

Paglabas ko ng department store, turn right ako tapos...Oh no! Eto yung daan papunta sa car park. Kaya lang wala nang time para bumalik, so go nalng ako sa car park. Madaling-madali ako at nagpapanic na kasi hindi ko alam ko san ko sila pwedeng ligawin. And then tada! May nakita akong stairs sa may gilid.

Hindi na ko nagdalawang-isip na bumaba ng hagdan. After 1 floor, nakihalo na ko sa mga car na nakapark. Feeling ko malilito sila kung bumaba pa ba ako ng stairs or umalis na papunta sa mga car. Hah! Take that! Evasion techniques!

Dahan-dahan ako nagtago sa iba't-ibang sasakyan. Grabe, sana may kotse ako para mas madali ang buhay. Hmm... pero siguro mahirap din, kasi duh! Ang laki ng isang kotse! Madaling mahuli! Sige na nga, thank you Lord nalng dahil medyo natakasan ko sila kasi isang tao lang ako.

Kaya lang...ayun parin sila! Ugh! Dahan-dahan sila sa paghahanap sakin, as in tinitingnan bawat parking space. Where to now?

Sumandal muna ako sa isang car at huminga ng malalim. I need to think. Hindi nila ako pwedeng mahuli, lalo na't umabot na ko sa ganito. Konti nalng talaga eh. Tumingin ako both sides para maghanap ng escape route. Tapos shocks! Parang bumukas yung langit at nagkantahan ang mga gwapong anghel! May nakita akong escape route! As in super ayun, ang lapit lang...may isang white car na bukas ang pinto ng back seat.

Super careful ako sa paglapit dun sa car kasi baka mahuli pa ko ng mga humahabol sakin. Tapos one car away nalang sya. Huminga ako ng malalim, and then lumingon ako. May dalawang lalaking naguusap. Yung isa, nakahawak dun sa door na nakabukas. Yung isa nasa kabilang side, nakahawak naman sa bukas na pinto ng driver's seat.

This is it. The moment of truth! Huh? Truth? Eh, basta yun yung magandang pakinggan. Lalo na pag dramatic ang pagsabi... The moment of truth.

Slowly...slowly...ayos! Nakapasok din ako sa car! Nagexhale ako at nahiga sa may floor nung car tapos after less than a minute, sumara yung pinto at umalis na yung isang guy. Buti nalang heavily-tinted yung bintana kaya hindi niya ako nakita.

Pumasok na rin yung isang guy sa driver's seat at umalis na sa parking. Bumabalik na sa normal yung heart beat ko. Phew. That was soooo close.

Ngayon, ang kailangan ko nalang ay hintaying tumigil somewhere yung car tapos bababa na ko and then buhbye! Konting patience nalang.

At least safe na ko... For now.

Bercedes MenzWhere stories live. Discover now