Kabanata 5

203 7 13
                                    

KABANATA 5

"Stalker ka?" biglang tanung ko. Oh no! Bakit siya nandito? Panu niya nalaman na magkikita ulit kami? Inexpect ko pa naman na never in my life ko na siya makikita...tinatak ko pa sa utak ko yung kagwapuhan niya...tapos bale wala lang! Argh!

"I'd die before the idea of stalking you appeals to me." tapos rinoll niya yung eyes niya. Taray much? At kelangan in english pa?

Then silence. Hindi ko na sinagot, baka kasi mapahiya pa siya pag binara ko. Bwahaha. (As if mababara ko diba? Pero hayaan niyo nang ito ang isipin ko, kahit sa kaloob-looban ko, alam kong hindi ko siya mababa--wait! Hayaan na... hayaan na... it's better this way para hindi siya mapahiya...)

Hindi rin siya nagsalita. Nakatayo lang siya at pinapanood yung mga naglalaro ng soccer. Super tagal nung silence, grabe, it's killing me. Pero kung patagalan ang gusto niya, hindi ako magpapatalo! >.<

Tapos for the second time around, asquare, and atriangle, yung soccer ball ayun na naman! Heading straight for me! So in preparation, agad kong tinaas yung kamay ko para mablock yung bola, tapos hinintay ko lang siyang magbounce. Kaso, never tumama yung bola sa akin. Pag-alis ko ng kamay ko, nakita kong nakatigil yung bola sa harap ng mukha ko. Bago ako makatingala para i-confirm yung suspicions ko, nagsmack sa mukha ko yung bola.

"Ah!" tapos shinove away ko yung bola. Eto namang si Ivan, tumatawa lang.

"Ano ba?!" sabi ko, sabay tayo ko para harapin siya. Tapos shocks ang tangkad niya! Parang wala pa sa balikat niya yung tuktok ng ulo ko. Hindi siya tumitingin sakin.

"Hoy! Kinakausap kita!"

"Sorry uleeeeeet! Grabe, kailangan ko pa talaga ayusin yung power and accuracy ko!" Yung girl na nakasipa nung bola sakin kanina, siya ulet yung pumunta. So humarap ako sa kanya at nagsmile. Take note, hindi plastic yung smile ko. Mukhang mabait naman kasi yung girl.

"Haha. Okay lang," sabi ko.

"Hello Beth," sabi ni Ivan. Ay ganun, magkakilala sila?

"Uy, Ivan! Didn't see you there. Himala noh? Sa tangkad mong 'yan... So musta? Okay na units mo?" nakangiti si Beth habang yakap niya yung soccer ball. Pero teka lang talaga... Units? As in sa college? College siya? Dito? Sa UPD? Oh. My. Gosh.

"Yup. I'm good. Ikaw?" sagot ni Ivan in a more-than-civilized manner. As if hindi niya literally pinamukha sakin yung soccer ball at pagkatapos ay tinawanan ako.

"Yup. Kahapon pa."

"Oh. Eh kamusta kayo ni Don?" Napakacare-free ng pagsasalita niya. On the other hand, medyo namula si Beth, pero poker face lang siya. Di ko malaman kung galit ba siya or nahihiya lang. "Ano? Kamusta kayo?" tapos pinoke siya ni Ivan. Ngunit bago pa siya ma-poke ni Ivan ng paulit-ulit, tinulak niya si Ivan.

"Ah! Basta!" Hinampas niya nang malakas yung braso ni Ivan, na tumatawa lang ng konti kahit siya na yung nahampas. "Kuwento ko sa'yo sa susunod! Sige nice to see you again! Bye! Bye, little girl. And sorry ulit!" tapos tumakbo na siya pabalik. Hindi ko na masyadong napansin na kanina pa siya tinatawag ng mga kalaro niya...kasi isa lang ang nasa isip ko at that moment...

LITTLE GIRL?! Ganun ba ko kaliit para tawagin niya akong little girl? As in maliit na batang babae?! Oo, alam kong hindi halata ang shape ng katawan ko, malitt ako, pero hindi naman ako ganun ka-baby-faced. At hindi naman ako super flat-chested! Well, okay, medyo nga, pero dahil lang yun sa pagiging athletic ko... Athletic sa pagtakas sa mga heist!

"Oh, baka may pumasok na langaw." Sabi ni Ivan. Hindi kasi ako makaget-over sa sabi ni Beth eh. Pero siyempre sinara ko na yung bibig ko. Baka kung anu pa ang ishoot ni Ivan pag hindi ko sinara... Napatingin na ako sakanya ngayon.

"Little girl?!" sabi ko. Super tinis ng boses ko. Tumawa na naman siya. Nako wala na siyang alam gawin kundi pagtawanan ako.

"That's Beth for you. Hahaha. Pero oo nga noh, it makes sense, little girl." nagsmirk siya.

"I have a name!"

"Ay, oo nga pala. Eh di Little Amanda. L.A. Tamang-tama sa'yo." tapos nagchuckle siya (A/N sorry medyo hindi ko talaga alam ang better way para sabihin to. Anu ba ang tagalog ng pag-chuckle? xD). Feeling ko super red na nung tenga ko nito. Kaso pag super embarassed or naiinis or nagagalit ako, ayon sa sabi ni Tita, nagigina parang dalawang pulang siling labuyo daw yung mga tenga ko.

"Whatever," tapos lumakad na ko paalis sa kanya. Hindi ko na talaga siya ma-take. Ayoko na. Ayoko na talaga. I just wanna go home. Home... Nung una kong nalaman na hindi ko tunay na nanay si Tita, inisip ko na hindi ako belong dun. Na hindi ko yun home. Yun yung time na naging Tita ang tawag ko sa kanya instead of Ma. Feeling ko nun, pabigat lang ako. Pero later on, habang nagmamature ako, natanggap ko nang si Tita ang tumayong nanay ko. Pero hindi ko na nabago yung pagtawag ko sa kanya na Tita. But it's fine by her kasi naprove niya naman sakin yung love niya sakin na never maipapakita sakin ng biological parents ko. And i accepted it without hesitation, kaya in return, i do my best for her.

But still... a very tiny part of me... craving parin for my own--no. Mali ito. I don't care about her. Sixteen years at mukhang walan naman siyang balak na kamustahin man lang ako... Well. it's her loss. I'm Tita's and Tita's alone. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bercedes MenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon