7: Not slept one wink

191 55 22
                                    

Not slept one wink




"WHOOOO!". Hiyaw dito, hiyaw doon. Puros sigawan ng mga tao ang pumupuno sa Gem's Bar. Halos proportion lang ang bilang ng mga estudyante at ang laki ng employed population.



Grabe. Ito pala ang past time ng mga Warnsen Students. Palibhasa kasi pinapapasok na kapag eighteen years old. Swerte ko nga lang dahil kasama ko si Syd. He covered me.



Paano ba naman, mukha raw akong Grade 10. Tss. Height ko lang yun. Mag e-eighteen na nga ako eh.



Naglakad-lakad lang kami ni Syd sa dance floor kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Sa rami ba naman, posible kayang makita namin si Brixen?



"Hi". Halos mapatalon ako nang may lumapit sa akin at bigla akong inakbayan. Si Syd kasi, nauuna at sinusundan ko lang sya.



"Want to dance? Babe?". Naaninag ko ang mukha nya mula sa ilaw ng spotlight. Singkit ang mga mata nya at tuwid ang buhok. Ang labi naman nya ay sobrang nipis na mapula-pula dulot ng alak.



He's drunk and dizzy.



"Uhm". Hindi ko malaman ang gagawin. Syempre, gusto kong tumutol ngunit hindi ko magawa dahil bumilis ang tibok ng puso ko. I was like red riding hood lost in the woods and found by a wolf.



Help!



Tuluyan nang nanigas ang mga paa ko nang ilipat nya ang pwesto ng kamay nya sa baywang ko. Nakiindak sya sabay sa tugtog.



"S-s-sorry..". Pinilit kong tanggalin ang pagkakapulupot nya sa baywang ko.



"Hey, that's mine. Find what's yours". Ma- autoridad na sabi ni Syd sa lalaki. Neglecting my excuse.



"I found her first dude". Nag-iba ang mapanuksong hitsura ng lalaki. Naiinis sya kay Syd.



"Get lost. She's my girlfriend". Lunok ng malalim. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakahinga sa bawat salitang binibitawan nya upang protektahan ako.



Aambahan sana ito ni Syd ngunit hinawakan ko sya sa galanggalangan.

Syd, wag dito. Please.




Imbis na paulanan ng suntok ang lalaki ay malakas akong hinila ni Syd papunta sa kanyang dibdib.




Walang nagawa ang lalaki kundi umalis na lang kaysa gumawa ng gulo.




Napayuko ako. Nahihiya ako kay Syd. I can't even defend myself.



"Mm!". Pinitik nya ako sa tenga.

"Aray!". Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ika-kama ka na, di ka pa umalis". Napatiim-bagang ako. Hindi ko man nagustuhan ang ginawa ng lalaking iyon, iisa lang ang nasa isip ko. Lasing sya. Pero di ko inaasahan na iba ang perspektibo ni Syd sa lalaking iyon.

"Huh?!". Nanlaki ang mga mata ko. Kumawala na ako sa kanyang pagkakayakap.

"You're a graduating student. You should learn not to be naive". Tumalikod na sya ngunit ikinabigla ko ang pag-abot nya sa kamay ko.



Shit na malupit talaga. Balik-kaba ulit ako.




How do boys do it? Those things they do to shut girls and make em feel the entire zoo inside their stomach without even saying a word?




Hindi namin nakita si Brix sa unang pagkakataon. Tuluyan naman na akong walang imik. Ayokong awayin sana si Kechi. Marami na syang nagawa para sa akin.




There's No Place Like You [#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon