happy happy

2.3K 26 4
                                    

=============================================

myco's pov

"myco????"

"bakit?" tanong ko.

Para syang napaso na bigla nya akong binitawan at nilayuan.

"si myco nga pala." halos pabulong na turan nya  saka sya humarap sa akin. "kung sino ka man miss pwede bang ipahinto mo na tong sasakyan please lang kailangan kong bumalik ng school." aniya sa seryosong mukha. Di ako nakaimik agad.

so di pala nya naisip na ako si myco  at ang myco na kilala nya ay ako.? nakawig lang naman ako ah at konting make'up.. >_<"

"manong pakihinto ang sasakyan." maawtoridad ngunit magalang nyang utos kay manong gerry. Agad naman hininto ang sasakyan at mabilis na lumabas si bacumons. 

"teka xyke wait!! " sigaw ko ng makita kong makalabas na sya. "manong naman bakit nyo inihinto ang sasakyan?!" sumbat ko kay manong gerry na napakamot ng ulo.

"kasi ma'am di kayo nagsalita kaya akala ko payag kayo eh." katwiran nito.

"hay ikaw talaga mang gerry di bale na nga.! " saka na ako bumaba ng sasakyan at hinabol si bacumons. Di sya maaaaring umalis. Hindi ngayon. >_<

nakita ko syang tumawid na ng highway. O_O  NO!! 

"XYKE!!!!" sigaw ko pero mukhang di nya narinig. "BACUMONS!!!" muli kong sigaw na nagpalingon sa kanya. "WAG MO AKONG IWAN!" nararamdaman kong nangingilid na ang luha ko.

xyke's pov

O_O

huh? sino yun? myco?

napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

sya?? sya ba ang tumawag sa akin ng bacumons o nagkakamali lang ako ng pandinig?

nakatingin lang ako sa kanya habang nakatayo kami sa magkabilang gilid ng highway. May isinisigaw pa sya pero di ko na marinig dahil sa ingay ng mga sasakyang nagdadaan.

Nang bigla ay tumawid sya ang lakas ng tambol sa dibdib ko ng makita ko na may sasakyan na palapit sa kanya.

"MYCO WAG!!" sigaw ko.

nakakabinging busina at malakas na ungol ng preno ang namayani sa paligid.

mabilis akong lumapit sa kanya habang takip takip ng mga palad nya ang kanyang mukha sa takot.

"hey ok ka lang ba? may masakit ba sayo? bakit ba kasi tumawid ka na di tinitingnan kung may sasakyan na parating? stupid!" nasabi ko nalang habang hawak sya sa magkabilang balikat.

'"dahan-dahan nyang tinanggal ang kamay nya sa mukha at ng makita nya ko di nya napigilang umiyak at yumakap sa akin ng mahigpit. O.O

"akala ko mamatay na ako na hindi mo man lang nalalaman kung sino ako." aniya kasabay ang paghikbi.

anong sinasabi ng babaeng to? anong ibig nyang sabihin?

inilayo ko sya saakin at hinawakan sa magkabilang balikat at mukha sa mukha ay hinarap ko sya sa akin.

"anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"may panyo ka ba dyan? tanong din nya.

"wala bakit ano meron sa panyo?"

"hay ganun ba.....di bale eto nalang."  saka nya hinablot ang damit ko at pinamunas sa mukha nya na basa ng luha.

O______O""

"what the--! " at nung akmang ipampupunas na nya sa ilong nya ang damit ko ay agad kong hinila. ano sya sinuswerte. yuck! "hoy stupid anong akala mo sa damit ko basahan?! disgusting!"

"hahaha!! just kidding! " ^o^  aniya na nakuha pang tumawa.

"pambihira! muntik ka ng mamatay may gana ka pang magbiro. tss!! ano na ung sasabihin mo?!" tanong ko ulit.

'ah yun ba.. oo nga pala. ^_^ uhmm Xyke uhmm...."

============================================

to be continued! mamaya na kakain lang ako..haha!! ^_^

 vote COMMENT fan

ty ♥

----->brokilya

FAKED IDENTITY  [ bading na bading sa'yo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon