tamang trip p2

2.9K 37 10
                                    

====================================

xyke's pov

 FLASHBACK

sa sobrang excited ko, maaga akong pumasok. inaasahan ko na ako ang mauuna sa room dahil  halos 1hour pa bago ang klase namin. yeah ganun ako kaexcited. but i was wrong.

may nauna na sakin, at kung hindi ako nagkakamali sya ang babaeng palaging tinitingnan ni totoy. bakit napakaaga naman nya?

tahimik lang sya habang nakadungaw sa bintana at ang layo ng tingin.

mukang ang lalim ng iniisip.

nilampasan ko na lang sya  at di na pinansin.

nagpunta na ko sa upuan ko kung san magkatabi kami ni totoy. 

20mins ago...

may sampu na siguro kami sa loob ng room pero wala pa rin si totoy.. pambihira! ang tagal naman nun!

lumabas nalang muna ako, sa labas ko na lang sya hihintayin.

sa labas ng room palakad lakad ako.

tingin sa kanan >_>

tingin sa kaliwa..<_<

hay! wala pa rin. =___=" lagot ka talaga sakin totoy.

sa totoo lang mainipin talaga ako kaya nagpunta na ko sa gate ng school para dun maghintay.

sakto naman pagdating ko sa gate namataan ko agad si totoy sa labas at naglalakad mag'isa.

napangiti nanaman ako ng maglaro sa isip ko ang kalokohan binabalak ko.

"MYCO.! " napalingon ako sa tumawag sa kanya, at bigla din nabura ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang tumawag sakanya.

nagsalubong ang kilay ko habang pinagmamasdan ko na palapit si bogart kay totoy.

epal talaga tong unggoy na to!

umakbay pa ang gunggong! anong binabalak nitong unggoy na to!? sh*t! tinatakot nya ang laruan ko!

tss.! ano bang gagawin ko para madispatsa ang unggoy na yun!

di ako pwedeng makita ni totoy.

nagpalinga linga ako, swerte naman dahil nakita ko si tukmol ang isa sa mga utusan ni bogart bukod sa dalawang alalay nya na lagi nyang kasama.

"HOY TUKMOL! " tawag ko sakanya

"hah?? O_O oi ikaw pala bossing bakit may iuutos kaba?? " sagot nya ng makita ako

"halika sumunod ka sakin!" sabi ko sabay lakad papuntang school building. malapit na kasi sila totoy baka makita pa ako. sumunod naman si tukmol.

nang medyo malayo na kami, saka ko sya kinausap.

"tukmol halika lumapit ka sakin." utos ko  

"hah? bossing bakit po? wala po akong ginagawang masama wag nyo po akong saktan.!" sabi ni tukmol na takot na takot.

*TOINK!*

"aray! bossing bakit mo ako binatukan?? O_O"

"bagay lang yan sayo para matauhan ka! di naman kita sasaktan engot! may iuutos lang ako sa yo!"

"ay hehe ano ba yon bossing? " tanong nya habang nakangiti,kitang kita ang bungi nyang ngipin sa harap.

"wag ka ng ngumingiti nakakasira ng araw ang ngiti mo.! tss! mamaya pag dumaan dyan si bogart, sabihin mo magpunta sya sa dating lugar hintayin nya ko dun. pero gaya ng dati ibulong mo lang. maliwanag ba?" 

FAKED IDENTITY  [ bading na bading sa'yo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon