date with bacumons??

2.5K 28 17
                                    

=====================================================================

myco's pov

O__O

"huh? anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko

"ano ba ang ginagawa sa bar?"

"wag mong sabihin na papasok talaga tayo dyan? underage pa tayo.!"

nag'smirk lang sya saka na pumasok sa loob ng bar kaya sumunod na rin ako.

di ko alam kung pano ang ginawa nya pero tinanguan pa sya ng secu sa labas.

dito kami dumiretso pagkagaling sa mall.

malapit lang kaya nilakad lang namin.

Flashback

Pinahinto ni bacumons kay mamang driver ang taxi pagtapat namin sa isang mall. napatingin ako kay bacumons. 

bumaba na sya pagkatapos magbayad sa driver.

=___="

sobrang kaba ko kanina dito lang pala kami pupunta.

"totoy di ka pa ba bababa? mukhang naiinip na ang kadate mo sa labas oh." ani mamang driver na nakangiti pa habang tinuro si bacumons na kasalukuyabg kinakatok na ang bintana ng taxi.

ano daw? date?! O_O

nun ko lang naalala na nakasakay pa pala ako sa taxi.

napatayo ako saka ko lang naisipan na lumabas.

"hoy totoy bakit ba lagi ka nalang natutulog?" tanong agad nya sakin paglabas ko ng taxi.

"pasensya. ehehe. ^__^" sagot ko na hindi makatingin sa mukha nya.

"Tss! tayo na! " aniya sabay talikod at lumakad na papasok ng mall.

"teka ano gagawin natin dyan?" pahabol na tanong ko sakanya.

"sumunod ka nalang para malaman mo." sagot nito na deretso lang sa paglakad.

wala na akong nagawa kundi sumunod nalang kung san sya magpunta.

O_____O

WORLD OF FUN??????????

anong ginagawa namin dito?

nagpunta sa token booth si bacumons, nagpapalit malamang ng token.

pagkatapos nun kung san san na nya ako hinila para maglaro..

nung una medyo naiilang ilang pa ako dahil puro panglalaki ang nilalaro namin,

pero sa totoo lang nag'eenjoy talaga ako dahil sya ang kasama ko. ^3^

hanggang sa basketball na ang laro namin.

tuwang tuwa ako dahil gusto ko talaga ang basketball.

at kung di nyo natatanong magaling ako pagdating dito kaya naman lagi kong natatalo si bacumons.^_^

 nakailang games din kami bago nag'ayang umalis si bacumons.

xyke's pov

ang galing pala mag'basketball ng isang to. =____=" 

pagkatapos namin ng round na yun inaya ko na si totoy bago pa nya ako talunin nanaman.

nagpatiuna na akong lumabas at humanap ng pwedeng bilhan ng makakain.

sakto naman may namataan agad akong nagtitinda ng virginia hotdog malapit lang sa WOF.

lumapit ako dun saka ako bumili ng dalawa.

napansin ko na nakasunod na pala sa akin si totoy.

nang makalapit sya inabot ko sakanya ang isang stick ng virginia.

nang humarap ako sa tindera para magbayad, nahuli ko pa syang dismayadong umiiling habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni totoy.

iyon talaga ang gusto kong mangyari. ang makita ang bawat reaksyon ng mga taong makakakita sa amin.

yun lang ang paraan para madistract ang kung ano man ang mali kong nararamdaman para kay totoy. para marealize kong hindi talaga ito katanggap tanggap.

pero heto pa rin wala pa rin akong pakialam. di ko lang pinansin ang tindera sa halip inakbayan ko pa si totoy saka ako lumakad kaya napasunod na rin sya.

kitang kita ko ang mga taong napapalingon pag nadadaanan namin. pero di ko pa rin tinanggal ang kamay ko sa pagkakaakbay kay totoy, habang ang isang kamay ko naman ay hawak hawak ang virginia na kinakain ko.

"teka lang bacumons di ako makakain ng mabuti, tanggalin mo na ang kamay mo." utos ni totoy sa akin.

"ganun ba. sige amina yan susubuan nalang kita." nasabi ko na hindi nag'iisip.

O_O

"huh?"

natanggal ko ng di oras ang kamay ko ng mapagtanto ko kung ano ang lumabas sa bibig ko.

"bagal bagal mong kumain gusto mo pa yata kasi sinusubuan ka.!" palusot ko. saka na ko nagpatiunang lumakad.

di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. masyado ng magulo.

Dito ako dinala ng mga paa ko.

habang nakasunod lang si totoy.

Sa bar na kung saan pagmamay'ari ng kuya ni bogart.

kaya naman kahit na underage pa kami pwede kaming pumunta dito ng di hinaharang ng guard.

"huh? anong ginagawa natin dito?" takang tanong ni totoy.

"ano ba ang ginagawa sa bar?" sagot ko

"wag mong sabihin na papasok talaga tayo dyan? underage pa tayo.!"

ngumiti lang ako ng nakakaloko saka lumakad na papasok.

wala syang nagawa kundi sumunod.

nginitian ko  si mang andres ang guard ng bar at tango lang sagot nya sa akin.

pagpasok namin sa loob sinalubong kami ng ingay.

lumapit kami sa counter saka humingi ng alak.

dalawang shot para samin ni totoy.

maya- maya may lumapit sa aming babae.

sexy, maganda, matangkad.

"hello guys may i join you?" sabi nito na lumapit pa ang mukha sa mukha ko. amoy na amoy na ang alak sa hininga nito.

napansin kong may lumapit din kay totoy.

parang nakaramdam ako ng selos ng makita ko na inakbayan pa nito si totoy.

umiwas ako ng tingin pero di ko pa rin mapigil ang hindi mapatingin sa kanila.

humingi ulet ako ng mas matapang na alak saka ko straight na ininom.

humingi ulet ako ng isa pa, at isa pa, at isa pa, hanggang sa malunod na ako sa dami na ng nainom ko at di ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari.

 =======================================================

vote COMMENT fan

ty ♥

-------brokilya

FAKED IDENTITY  [ bading na bading sa'yo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon