Chapter Twenty-Seven: Step Up

204K 1.5K 153
                                    

Alex's Point of View


ANG daming tao sa loob ng maluwang na bakuran ng mansiyon. Hawak lamang ni Gin ang kamay ko habang papasok kami at agad na tinungo ang buffet table doon.

"What do you want?" he asked as he looked at me. Napatingin ako sa napakaraming pagkain na nakahain, seafoods at ilang mga thai foods ang nakahain doon.

"Juice, Gin. I am not yet hungry," sabi ko. Napatingin ako kina Carmi na kumuha lamang ng cocktail drinks sa isang waiter na umiikot sa lawn. Agad naman na tinawag nito ang isang unipormadong waiter at ikinuha ako ng juice.

"Ladies and gentlemen, thank you for coming tonight," anang malakas na boses sa speaker. Napatingin kami sa unahan, sa may beranda ng mansyon kung saan nakatayo doon si Governor De Villa. This is my second time to see him personally. Ang una ay sa eskwelahan kung saan isa ito sa nag donate ng isang pasilidad ng eskwelahan. Isa iyon sa campaign strategy ng kampo nito at bagamat isang matatag na institusyon naman ang St Michael, hindi rin tinanggihan ng kanyang governess ang tulong. Anito ay walang masama kung tumulong sila sa isang pulitiko.

"As you all know, this party is for my son's welcome party and hopefully he is staying here for good. Malay natin baka siya ang pumalit sa aking pwesto," nagbibirong sabi ni Governor De Villa. Nagtawanan ang ilang kilalang pulitiko na naroon. Ang iba ay kongresista at ilang kilalang personalidad sa larangan ng pulitika. Katabi nito ang magandang babae na malamang ay asawa at si Ex-Senator De Villa.

"So let me introduce to you, my only son, Eugenio Carlos De Villa!"

Nagpalakpakan ang mga naroon. Natigilan ako. Natulig.

And before I know it, he kissed me on the cheek bago nagtungo sa harapan. My heart thumped.

Siya ang anak ni Gov?

Nanlalaki ang mga matang nakasunod lamang ako ng tingin dito. Nagsasalita ito. Pero wala akong marinig. Naiiling na nanakbo lamang ako palayo sa kinatatayuan ko. Tinawag ako nina Chele pero hindi ako lumilingon.

Dinala ako ng paa ko sa lanai kung saan wala doon tao. Tila pangangapusan ako ng hininga na napahawak ako sa dibdib.

Anak si Gin ng Governor.

At ni hindi man lamang niya ito nabanggit sa akin ni minsan!

Tila sasakit ang ulong napasandal na lamang ako. Naririnig ko pa ang nagkakaingay na mga tao.

I have to get out of here.

Pero pag-ikot ko natigilan ako ng makita ko na nakatayo doon si Gin. Bakas ang guilt sa mukha nito. Agad ang pagtiim ng labi ko at akmang lalagpasan siya pero maagap na nahawakan niya ako sa braso.

"Sweetheart."

Galit na ipiniglas ko iyon. "At kailan mo balak sabihin na ikaw pala ang anak ni Governor De Villa?"

He sighed. "Kanina pero dumating sina Carmi, nawalan ako ng chance. I don't think it was necessary at all. Look, kadarating ko lamang and I enrolled at your school, eventually, I was hooked by your charm sweetheart, and knowing my family background will never change the fact we like each other, hindi ba?" mababa ang boses nito.

I smirked. "You had the chance to tell me, when I invited you to come to this party! Iyon pala party ay mo pala ang pupuntahan ko!" I hissed angrily.

Napakamot ito sa batok. "Sweetheart naman. Huwag ka na magalit," he said in a light note.

Umirap ako.

"Naiinis pa rin ako."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


VISIT Forgotten Memories Page on Facebook

www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Forgotten Memories Hardbound Bundle Year 2023 PRINTING (new cover)

If you haven't added yet any Forgotten Memories Writer's Edition, this is your chance to keep them in the hardbound and new cover. JOIN our Year 2023 PRINTING for the hardbound bundle.

READ these stories FOR FREE once you become one of FM Hardbound Bundle Buyers:

1. Forgotten Memories Book 1 (uncut)

2. Forgotten Memories Book 2

3. With You

OR COMPLETE your FM Trilogy experience once you read Forgotten Memories Book 3 online

SEND us a message on Facebook: www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon