Chapter Seven: One Day, Someday---Extra

244K 2.6K 107
                                    

Alex's POV

Naiiritang ibinato ko ang celphone ko ng tuluyang tumunog ito tanda ng pagkaubos ng battery.

"Shit!  Useless!" iritableng nahampas ko ang pavement kung saan ako nakaupo at naghihintay ng dadadaang bus o kahit na anong sasakyan para maka hitch.  And I thought I could call my driver the time I left the bar.  Malay ko bang ma lo lowbat ako!  Shit and damnation!

Napakalayo ko na sa bayan.  I am so tired walking back to the bar.  I have walked for more than a kilometer I guess!  And wearing this stilleto is a curse.

Buwiset na Fredrick yon!  If it wasn't because of him I wouldn't mind staying so late in the bar.  I was apprehensive na baka sa sobrang kalasingan nito balikan ako sa bar and finally make his own way to lure me to bed.  Sa klase nag nakikita kong frustration sa mukha niya mula pa sa racetrack I know he wouldn't stop his intention to bed me.

I sighed heavily as I looked up at the sky.  It's past 2 am already.  At nasa gitna ako ng kawalan. Napalingon ako sa palgid.  Pulos palayan ang nakikita ko at isang mahabang kalsada na wala man lamang dumaraan.  I couldn't even find any single light that will signal na may bahay nga sa paligid.

Na f-frustrate na napahawak ako sa buhok ko at napayuko.  

I am really tired and sleepy.

Bakit ba ako napasok sa ganitong sitwasyon?

Napakurap ako at agad na nag angat ng tingin ng makarinig ako ng papalapit na sasakyan.  Shit bahala na, I have to go home.  Pero paano kung matandang amoy alak at rapist ang nag d drive non?  Sa naisip ay parang gusto ko ng bawiin ang kamay ko na sumenyas na makikisakay.

Goodness.

At paano kung madami silang nakasakay?  At raypin ako?  Shit, ang tanga mo talaga Alex!  Hindi ka nag iisip!  Napalingon ako sa paligid.  I can run.  Pero walang kasiguraduhan na hindi ako maabutan ng mga yon.

Papalapit na ang sasakyan.

Gusto ko ng tumakbo!

Pero na stuck ang paa ko sa kinakatayuan ko hanggang tuluyang humimpil ang kotse.  I swallowed hard.  Tinted ang sasakyan. So this is it.  I was more than ready to see those barbaric faces na mang r -rape sa akin when the window open slowly.

Napakurap ako dahil hindi kagaya ng inaasahan ko ang makikita ko.  

I have known so many guys who are good looking.  Fredrick is one of them, Sean Montejo who's been dancing with me all night and many more who looks like picture from magazine that became real, and yet hindi ako naakit man lamang.

But this guy...

Is a demi-god came down to earth.

Napakurap ako uli.

"Hi.  Are you lost?" his baritone voice spilled like a cold water under my spine.  Saka pa lamang ako nagising.

Napatango ako.  

Hindi ako makapagsalita.

Ngayon lamang ako natulala ng ganito sa isang lalaki.

He smiled.

Muntik na yatang malaglag ang panga ko. 

He is---.

"Hop in.  Delikado sa isang babae na kagaya mo ang nasa gitna ng kalye," he said in a low voice.  Kahit ang boses niya ay kasing ganda ng itsura nito.  Mula sa mataas na tangos ng ilong at makapal na kilay, sa pangahang mukha na nagbibigay ng kakaibang awtoridad.

Who is he?

Wala sa loob na napatango lamang ako na sumakay ng buksan nito ang pintuan ng kotse.

He looked at me.  "Are you going to Manila?"

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon