Chapter 8.3

617 12 0
                                    

'a shoulder to cry on'

(Gab's POV)

 Bumalik naman ako sa loob. Nakita ko si kent na tumatagay mag isa. Haaay~ ang lakilaki talaga ng problema ng lalaking ‘to. Pinabayaan ko nalang sya at kinuha sa taas yung airbed namin. Bumaba na ako hindi ko padin pinapansin si kent. Nilagyan ko nalang ng hangin yung air bed, pero na gulat ako ng kunin ni kent yung pump na ginagamit ko.

“ako na” sabi niya at kinuha niya yun

“sige, kukuha nalang ako ng unan at kumot na gagamitin niyo.” Sabi ko at umakyat na sa taas.

Pag baba ko, kakatapos lang ni kent na lagyan ng hangin yung air bed. Inusog naman namin yung center table sa sala para kumasiya yung airbed. Inayos ko nalang yung higaan nila. kasi feeling ko any time makakatulog na ‘tong si kent eh.

Nilinis ko muna yung kalat namin, tinapon ko na yung mga walang laman na chips. Iniwan ko nalang yung emperador light, tubig, ice at yung juice. Wala na kaming pulutan.

Winalis ko na din yung mga kalat sa sahig, para hindi sila guyumin mamaya. Pag katapos ‘kong gawin lahat napatingin ako kay kent. Tumatagay mag isa. Inis-straight niya yung isang basong emperador light tapos hindi na nag chaser. Eeeew~ parang masusuka ako sa ginawa niya eh..

Lumapit na ako sa kanya para agawin yung iniinom niya. Sinasalinan na niya naman kasi yung baso niya

“that’s enough kent, matulog kana dun” sabi ko. Kukunin ko na sana yung baso kaso iniwas niya

“pabayaan mo nalang ako, matulog kanalang dun kung gusto mo, hindi pa ako inaantok” cold niya na sabi sakin.

Tsk! Ang laki talaga ng pinagdadaan ng lalaking ‘to. Bwisit. Naawa na naman ako sa kanya. Haaay~

“tsk! Wag ng matigas yung ulo kent. Mag pahinga kana” sabi ko at nilagay ko pa sa bewang ko yung kamay ko

“Ayoko nga sabi eh! Pabayaan mo na ako” halos pasigaw nya na sabi. Tssss! Kainis naman oh. Babatukan ko na sana kaso naawa na naman ako sa kanya.

Kayo kaya makakita ng napaka gwapong nilalang na umiinom na parang pasanpasan niya yung buong mundo, hindi kayo maaawa? Haaaay~ umupo nalang ako sa tabi niya at tinagayan ko nalang sarili ko. Hindi nalang din ako nag chaser, pareho lang naman yun may tama na din ako eh. Hindi ko na masyadong ramdam yung pait.

“tss. Ano ba kasing problema mo kent? Pwedi mo namang sabihin sakin eh. Para mabawasan naman yung sama ng loob mo” sabi ko. Sinalinan ko naman yung iniinom niya pero konti lang “alam mo ba, nakaka baliw yan pag tinatago mo lang yung problema mo, kaya sige na. speak up! Hindi kita babatukan” sabi ko at medyo tumawa ako.

Napatingin siya sakin, tapos binalik niya na naman yung tingin niya sa iniinom niya.

“c’mon kent. Magkaibigan naman tayo diba?” pag kumbnsi ko sa kanya.

“HAAAAAY~” nag buntong hininga nalang siya, nilagyan niya na ulit yung baso niya tapos ininom niya yon.

Maya maya pa nag salita na siya

“nagagalit ako sa sarili ko” sabi niya ng hindi naka tingin sakin

Tinignan ko lang siya. Nilagyan ko ng laman yung iniinom ko. Sheeeet~ THIS IS IT! Mag sasabi na siya ng problema niya

“nagagalit ako kasi hinayaan ‘kong mawala sakin yung babaeng pinakamamahal ko. Sa isang kasalanan ko lang, wala ang lahat. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa yung dating kami. Dating kami na masaya, na sobrang saya” sabi niya, tapos yung boses niya parang naiiyak na

Falling in Love UnconsciouslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon