LISW - 10

1.4K 33 22
                                    

DANIEL's POV: 

 

"Sige na. Sasamahan ka lang naman niya e," pilit ni Dae kay Kath. Nandito ako ngayon sa kanila. Dapat kasi aalis sila Dae at Kath para magpacheck up kaso nagpumilit si Dae na ako na lang ang sumama kay Kath dahil sumasakit daw ang pagkababae niya. Pasaway lang. Parang wala ako dito at parang 'di ako lalaki sa pinagsasabi niya.

Umiling ng marahas si Kath na parang nahihiya sa akin. "Kath naman e! Maaawa ka naman sa pinsan mo!" sabi ni Dae na ang sungit sungit na. Anong meron dito? 'Di ko talaga maintindihan mga babae. 

Napabuntong hininga na lang si Kath sa harap ni Dae at saka tumango. "Ay tampo na, pasensya na Kath at saka kaibigan mo naman na si Daniel diba? Wala ng secrets dapat," sabi ni Dae. 

Tumingin si Kath sa akin at ako naman ngumiti. Hindi ko alam ang pinaguusapan talaga nila e. Masyadong masekreto nga talaga 'tong si Kath. Ni 'di ko pa nga alam ang past niya e. 

"Okay bye!" sabi Dae habang papalabas na kami ng bahay. Inalalayan ko si Kath sumakay sa may passenger seat at ako naman sa Driver Seat. Pumunta lang talaga ako para bisitahin sila Kath ngayong Sabado at kahit kahapon lang kami nagkita gusto ko pa rin siya---Ano? Binibisita ko lang. Ayun, nagiba ang plano kaya after na lang yung naiisip ko. 

Tinuro naman sa akin ni Dae ang address ng Hospital na pupuntahan namin kaya madali ko siyang natunton. Nang makarating na kami ay pumunta na kami agad sa Room 704 para magpalista ng pangalan. Medyo mahaba din kasi ang pila.

"Miss Bernardo, Kathryn?" Tumayo na kaming dalawa ng tawagin kami ng assistant nurse. Pumasok na kami sa room kung saan nandoon na ang Doctor ni Kathryn. 

______________________________

KATH's POV: 

Nakakahiya kay Daniel. Sobra. Tapos maririnig pa niya ang pinaguusapan namin ng Doctor. Tatawa kaya siya? Parang sinasabi ng konsensya ko na magtiwala lang ako sa kanya kaso nakakakaba e. Baka kasi magiba ang tingin niya sa akin.

"Miss Bernardo, Kathryn?" Ayan na tinawag na kami. Pumunta na kami sa loob.

"O Kath, kamusta?" bati sa akin ni Dr. Ortiz. Psychiatric Doctor ko siya. Inabot ko ang Ipad nito para makapagsulat ako ng sagot ko. Okay lang ako Doc. 

Ngumiti naman siya sa akin at tumingin kay Daniel. "Who's this handsome boy na kasama mo Kath?" Nagtype na uli ako at pinakita sa kanya, Friend ko po, si Daniel. 

Ngumiti lang si Doc at saka tumayo. "So, Let's start. Tara Kath. Maiwan ka na muna d'yan Daniel." 

Pumunta kami doon sa room na may malalaking speakers at saka isang malaking table at chairs sa loob. Meron din na bondpapers, pencil, colors, bells, basta mga gamit para sa Recreational Activity. Nakita ko naman si Daniel na ngumiti sa akin mula sa labas. Nakikita niya talaga kami kasi salamin lang ang pagitan ng wall ng kwarto. 

"Katulad ng dati Kath." Kumuha si Doc ng bond paper at coloring material at saka pinatugtog ang Classical Instrument. Napuno ng music ang buong music room. Pumikit lang ako at saka pinakinggan ang tunog. 

"Mommy!" sigaw ko at sabay turo sa harapan. Napatingin si Mommy at saka pinihit ang manibela. at saka ko na lang nakita na nabunggo na kami sa isang puno.

Ramdam ko na may lumabas na mainit na likido galing sa mga mata ko. Masyadong masakit para sa akin iyon. Sobra. Dumilat ako at saka ngumiti ng kaunti si Doc. Alam ko naman na naaawa siya sa akin pati si Daniel na nasa labas ay napatayo na lang. Umiling ako ng kaunti para lang masabing ayos lang ako. 

Love in Soundless WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon