LISW - 13

1.3K 22 9
                                    

DANIEL's POV: 

"Okay na po siya ngayon. Wala naman kaming nakitang mali sa mga tinest namin sa kanya." tinignan naman niya si Tito at saka nagsabi ng, "Mister Bernardo, i would like to talk to you in private," sabi ng Doctor at saka tumango si Tito. Nang makalabas na sila ay isa-isa kaming naglapitan kay Kath. 

Napabuntong hininga si Dae. "Kala ko may nangyaring masama na sa kanya. Buti naman wala. Baka nahilo lang o something si insan," sabi nito sabay kuha sa kamay ni Kath. "Kath pagaling ka a."

Nandito kami ngayon sa ospital. Dali-dali kasi kaming pumunta dito para matignan agad si Kath at buti na lang talaga walang nangyaring kakaiba sa kanya. Nag aalala ako ng husto nong sumigaw sigaw sila Dae at Julia kanina habang hawak si Kath. Kakainis lang kasi wala akong nagawa bago pa siya nahimatay. Masisisi ko talaga sarili kung may iba pang mangyari kay Kath. 

"Pre, bili muna tayo ng pagkain sa canteen," napalingon ako sa nag-aaya. Si Seth. Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Lester.

"Kung pare-parehas tayong gutom, mapaparehas tayo kay Kath. Walang makakapagbantay sa kanya. Kaya tara na," biglang sabi ni Lester at saka siya lumabas. Sinundan naman siya nila JC. Lumingon uli ako kay Kath na tulog na tulog. 

"Bilan na lang namin kayo a," sabi ni Katsumi kela Dae at Julia. 

Pagkalabas namin sa room ni Kath. Bigla akong inakbayan nila Seth at Katsumi. "Pre tama na yan. Okay na siya. Tara't bumili ng food para pagkagising niya nandoon tayo sa tabi niya," sabi ni Seth at saka ako tumango. Nagaalala lang kasi talaga ako. Naalala ko kasi ang pangyayari kay Daddy e. Wala akong nagawa noon para pigilan siya. Wala.. 

______________________________

JULIA's POV: 

Naramdaman namin ni Dae na gumalaw ng kaunti ang daliri ni Kath at saka unti unting bumubukas ang mga mata niya. 

"Kath!" Napayakap kami parehas ni Dae kay Kath sa sobrang tuwa. Gising na si Kath! Gising na kaibigan namin!

Bumubuka ang bibig ni Kath pero walang lumalabas na tunog. Bakit ganoon? Kanina lang.. Pero baka guni-guni ko lang iyon.. Si Dae ata nagsabi pero imposible e. Ibang boses iyon e. Pero yaan na nga. Baka guni-guni ko nga lang! Sa sobrang pagaalala ko kay Kath baka ibang tao lang iyon sa canteen. 

"Ayos na ba pakiramdam mo Insan? May masakit ba sa'yo? Ano yung nararamdaman mo ngayon? Magsabi ka a," pagaalala ni Dae kay Kath. Ngumiti naman ito si Kath at saka niya hinawakan ng mahigpit si Dae. 

"Thank God okay ka na Kath," nasabi ko na lang bigla. Napalingon kami ng bumukas ang pinto at niluwa nito sila Jabbie, Ella, Magui, Lelay at Nash. Nagulat kaming tatlo at halata mo sa mga ito na tumakbo sila papunta dito. Pawisan kasi sila e. 

"Okay ka lang ba Kath? Anong masakit sayo? May Pilay ka ba? Nagkaamnesia ka ba?" biglang tanong ni Ella kay Kath habang lumalapit dito. Pero sa halip na magalala pa kami lalo. Ayun natawa kaming lahat. Ang OA kasi niya. 

"Hoy Ella! Bakit..naman.." 'di ko na mapigilan ang tawa ko. Baliw din kasi itong kaibigang ko e.

"You're crazy Ate Ella. Kuya said nahimatay si Kath. Not that crazy theory of yours," pagsusungit ni Magui at eto naman si Ella nagkamot lang ng ulo at saka nagpout.

Nagsulat si Kath sa notebook niya at saka pinakita sa amin. Okay lang ako Promise. Sorry pinagalala ko kayo a. Nasaan pala sila Daniel?

"Hinahanap ni Ate Kath si Kuya! Kakakilig!" pangaasar ni Lelay kay Kath kaya eto nangamatis na ang mukha. 

Love in Soundless WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon