LISW - 4

1.6K 46 13
                                    

DANIEL's POV: 

Hindi na bumalik si Lester at si Miss 'di pumapansin dito sa classroom. Kaya eto kami ngayon at umuwi na. Last subject kasi ang Science namin. Ano kaya talaga ang problema noon ni Miss 'di pumapansin? May pasulat-sulat pa siya e. Ano siya Teacher na nagsusulat sa blackboard lang? Ewan bwusit lang. 

Nandito na kami ni JC sa bahay at naabutan kong naglalaro ng PSP 'tong mga makukulit kong mga kapatid. "Nagawa niyo na ba assignments ninyo?" tanong ko sa kanila.

"Yes kuya," sabi ni Magui na bigla na lang ako inirapan at humarap sa TV screen. 

"Bihis muna ako," paalam ni JC at umakyat na.

Pumunta muna ako ng kusina para maghanap ng pagkain at nakalimutan kong wala na pala kaming supply dito. 'Di na ako nagbihis at nagpaalam na sa mga kapatid ko na bibili muna ako sa grocery. Malapit lang naman ang puregold dito kaya mabilis lang ako nakarating. Kumuha na ako ng cart at pumunta sa poultry section. Napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga kababaihan dito. Hanggang dito ba naman?

Pumunta agad ako sa vegetable and fruits section para umiwas sa mga matanglawin na mata. Binili ko na lahat ang kailangan ko at nagbayad na. Madilim na ang langit nang lumabas ako. Kailangan ko ng magmadali para makaluto na. Pumunta na ako sa parking lot at pinaandar ang kotse. 

Medyo malapit na ako sa subdivision ng makita ko sa streetwalk na may tatlong lalaki na parang naguusap. Yung dalawa ay nakablack jacket at parang kinakausap nila yung nakaposturang lalaki na kaedadaran lang ito ni Daddy kung nabubuhay pa siya. 

Tinititigan ko lang sila ng mabuti na mapansin ko na may hawak na kutsilyo ang isang lalaki. Nakaramdam ako ng takot na baka sasaksakin nila siya. Kaya dali-dali akong nagparada at bumaba ng sasakyan at saka sinuntok yung may hawak sa lalaki. 

"Gago ka a!" Aakmang sasaksakin na ako ng isang kasamahan niya pero umilag ako at saka siya sinuntok. 

"Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis!" sigaw ko sa dalawa at saka tumakbo ito hawak-hawak ang tiyan at mukha nila kung saan ko sila sinuntok. 

"Salamat iho! 'Di ko talaga alam ang gagawin ko. Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin habang tinitignan kung may sugat ako. Nakaramdam ako ng saya. Dati kasi ay ganyan si Daddy sa amin. 'Pag nadadapa kami o kaya nahuhulog sa bike. Dali-dali siyang pupunta sa amin ni JC at titignan kung may sugat kami. 

"Opo okay lang po ako. Kayo po?" tinignan ko din siya at buti wala naman siyang natamong sugat sa katawan.

"Wala man akong sugat. Pero muntikan na ako doon," pagkwekwento nito sa akin.

"Oo nga po. Nakita ko din po iyon e. Bakit 'di po kayo sumakay ng tricycle? Medyo madilim pa naman dito," sabi ko sa kanya. Dito kasi sa kalyeng ito ay walang ilaw kaya pwedeng gumawa ng milagro ang mga holdaper o kaya magnanakaw. Hindi pa kasi ipaayos yung poste dito e.

"May kotse ako iho kaso nasiraan ako doon sa may kanto. Kaya nilakad ko na lang muna. Baka kasi nagaalala na ang anak ko sa akin," sabi nito at saka tinuro yung kantong nadaanan ko kanina.

"A, hatid ko na po kayo. Saan po ba kayo nakatira?" pagaanya ko sa kanya. 

"D'yan lang sa subdivision na 'yan papasok," sabi nito at tinuro ang subdivision kung saan kami nakatira din.

"Tamang tama po. D'yan din po ako nakatira. Tara na po," sabi ko sa kanya at sumunod naman siya.

Habang nagdridrive ako ay nagkwekwento lang siya sa akin. "Alam mo ba na kasing edad mo anak ko. Mabait din katulad mo at sana makilala mo siya." Mabait din pala ako? Masungit kasi talaga ako e. Simula noong--Nevermind!

Love in Soundless WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon