Chapter 46.5 - *Nine punishment*

410 16 13
                                    

Chapter 46.5

*Nine punishment*

Pauline's pov

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko nilagay ko kasi sya sa mode na tipong sumasabog kapag may tumatawag

Kevin calling...

Pauline: “Hello … ano ba Kevin? Bwisit ka talaga anong oras na oh”

Kevin: “Pao pde bang lumabas ka ng bahay nyo?”

Pauline: “A-Y-O-K-O -__________-“

Kevin: “please”

Pauline: “bukas na lang Kevs antok na talaga ako”

Kevin: “please Pao I really need your help”

Pauline: “okay, okay bakit sa labas pa Tss!”

Bumaba na kong latang-lata ano nanaman kase problema nito -U- kung kailan nagbebeauty rest ako eh binuksan ko lang yung ilaw sa may front door namen pagbukas ko nasa labas pa ng gate si Kevin

"Talagang ngayon ka pa nahiyang di pumasok sa loob namin ha tara dito" sinesenyasan ko syang pumasok pero sinesenyasan nya din akong lumabas mga pipi ba kame? =________________=

"Ano ba kasi yon at kailangan pa naten dito magusap?" Paglabas ko pa lang ng gate naamoy ko na si Kevin amoy beer sya kadiri >.< "Ewwwww! Ang baho mo Kevin lagot ka kay Veda"

"Teka Pao wag mo ko isumbong" medyo tipsy na sya halata naman

"Eh ano bang problema mo? At kailangan mo pa kong palabasin dis oras ng gabi?" Napakamot sya sa ulo nya nagaantay ako ng sagot nya pero tahimik lang sya inaantok na talaga ako

"ui ano na?" Mukang wala naman syang sasabihin kaya umikot na ko paharap ng gate namen at umaktong papasok na bigla naman nya ko kinaladkad palayo sira ulo to ah >_____________< "Ano ba problema Kevin natatakot na ko sayo aaah"

"Tatanong ko lang sana kung pano gumawa ng instagram account" sabay batok ko sa kanya himas-himas naman nya ulo nya ngayon

"Kung hindi ba naman nasa matinong pag-iisip ka gigisingin mo ko para lang itanong yan!!"

"Sige na turuan mo na ko”

"Baliw! Umuwi ka na nga at ako'y matutulog na!" Naglakad na ko papunta sa gate namen pakiramdam ko tutumba na ko sa sobrang antok.

Bubuksan ko na sana yung gate namen ng

"Care to have a minute with me? Kathleen?" Yung pagkakabigkas nya sa pangalan ko Gaaaaaaaawdd XD

"Baby I miss you" napapikit ako lahat ng salitang naririnig ko nageecho pa hanggang ngayon para akong nabingi. May yumakap mula sa likod ko yung balikat nya, kung gano kakomportableng niyayakap nya ko yung kilala kong amoy nya lahat ayaw magseek in sa utak ko.

"Kade" humarap ako sakanya may pumatak na luha mula sa mata ko sumiksik ako sa dibdib nya hawak ko magkabilang kwelyo nya namiss ko to sobra

"Baby please don't cry bago ako umalis umiiyak ka ngayong bumalik ako umiiyak ka padin"

"Kade bakit amoy beer ka? Naghappy-happy na kayo ni Kevin ano?" Napaatras sya sa tanong ko haay Kade nang-gigigil ako sayo niyakap ko sya ng mahigpit

say it again ... please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon