Chapter 44.5 - *Keeping it real*

420 19 0
                                    

(AN: gawin nyo naman akong mayaman sa comment at votes

nga pala pinalitan ko po yung character ni Hanna hihihi feel ko lang palitan)

Chapter 44.5 – *Keeping it real*

October 27, 2011

Ren's pov

"Hanna" nakakailang ulit na ba ko sa pagtawag sa kanya? Umikot ako sa harap nya hindi sya umiiyak, hindi din kumukurap yung mata nya ni hindi sya gumagalaw

Kinakabahan na ko kanina pa ganto si Hanna pitong oras na ni hindi nya ko tinitignan parang wala syang naririnig nandito kami sa playground ng hospital kung saan namatay si Tita Carmela

Pagdating ko sa hospital si Tito Mac nagwawala hindi matanggap na patay na si Tita "NOOOO!! You did everything sana she's still alive!" Basag na yung boses ni Tito Mac pinipigilan din sya ng ilang nurse para hindi magwala "I can't lose you CARMELAA!!" Hindi ko kinaya tignan si Tito Mac umiiling lang yung Doctor

"I'm sorry we did everything" umiyak ng umiyak si Tito Mac sa kalagayan nya mukhang hindi nya maayos ang burol ni Tita kaya tinawagan ko si Mama

Mama: "Son?"

Ren: "Ma, Tito Mac need us patay na si Tita Carmela"

Mama: "Oh my God, I’ll be there son wait for us"

*doo.dooo*

Hinagilap ko si Hanna nakaupo lang sya sa sofa malapit sa naging kama ng Mommy nya umiiyak nung nakita nya ko bigla sya tumakbo papunta dito sa playground

Nung una umiiyak sya hanggang sa natulala na lang at hindi ko na makausap tumingin ako sa langit malapit nang mag umaga hindi pa kami parehas kumakain ni Hanna

*beep.beep*

From: Maan Pugo

"Hey brother everything is set dadalhin na sa chapel yung body ni Tita nandoon na din si Tito Mac medyo maayos na sya at nakakausap na din sabi ni Mama iuwi mo muna si Hanna sakanila ng makapag-ayos at makakain na din"

Dahil wala nang ibang pamilya sila Hanna sila Mama na ang nag-ayos ng burol parehas kasing only child ang Mama at Papa ni Hanna ang mga magulang naman nila o Lolo at Lola ni Hanna ay mga patay na

"Hanna kailangan na nating umalis dito mag-uumaga na hindi pa tayo parehas kumakain si Tita Carmela nasa chapel na" tumingin sya saken hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya nagpahatak naman sya saken

Pinilit ko syang pakainin pero katulad nang nasa playground kame hindi sya umiimik parang di din nya alam na nasa bahay nila kame. Hindi din sya nakikinig sa lahat ng sinasabi ko mga katulong na din nila ang nagbihis at nagayos sa kanya ayoko man sabihin sa pagkamatay ni Tita Carmela para ding namatay si Hanna kung hindi mo sya hahatakin hindi sya gagalaw.

Nakarating kami sa chapel kung saan nakaburol si Tita Carmela maraming tao mayos na din ang lahat knowing Mama mabilis pa sa alas kwatro maayos ang lahat. Lahat ng mata nakatingin kay Hanna habang naglalakad kame sa aisle yung iba lumalapit pa para kausapin si Hanna at sabihing "Carmela is in peace" o kaya "Condolence"

Hinatak ko si Hanna hanggang sa makarating kame sa harap ni Tita Carmela tinignan ko sya bago bitiwan yung kamay nya nakatitig lang sya sa coffin ni Tita mukhang paiyak na din.

say it again ... please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon