Chapter 10: The Trial Date

320K 5.8K 841
                                    

Bella's Point of View

Natatawa ako habang naglalakad patungo sa tagpuan namin ni Freak. Ngayon kasi gaganapin ang aming trial date. Binantaan niya pa ako dahil ito na raw ang una't huling date na mangyayari sa amin. Hindi lamang iyon, nagmayabang pa siya na napakasuwerte ko raw dahil makaka-date ko siya. Nakakasuka yung mga pinagsasasabi niya.

Marahil ang ibang babae ay hihimatayin nga sa kilig kapag naka-date nila si Jarvis, pero hindi ako katulad nila. Inis nga ako sa lalaking iyon. Siguro nga nang magsaboy ang Diyos ng kayabangan ay nasalo na niya lahat.

Napapitlag ako nang mag-ring ang aking cellphone. Napakunot-noo ako sa unknown number na tumatawag sa akin.

"Hello?"

"Bella?" tinig ng isang lalaki.

"Speaking,.."

"Kon'nichiwa (Hello) Bella. Dono yōdesu ka? (How are you?)" masayang tanong niya. Parang kilala ko ang boses na ito.

"Kuya Rei?

Natawa siya ng malakas. "BaKa (Idiot) Bella!"

Nagtawanan ang lahat ng nasa kabilang linya.

"Aish! Paano mo nalaman ang cellphone number ko?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"Anong silbi ni Natsume kung hindi niya malalaman ang cellphone number mo?"

Napahawak ako sa aking sentido nang marealize na tama ang sinabi niya. "Kumusta na kayo diyan?"

"Okay lang kami dito, nami-miss na namin ang sigang Bella," wika ni Kuya Rei sa akin. "Talaga bang hindi na magbabago ang isip mo, Bella?"

Napangiti ako sa sinabi niya sa akin.

"Hey Rei, pakausap naman ako kay Bella," sabi nung isa. Napangiti ako nang mabosesan ko ito.

Si Taki.

"Bella," panimula niya.

"Nami-miss na kita, best friend," sabi ko.

Matagal siyang nanahimik na ipinagtaka ko. "Taki?"

"Sobrang nami-miss na rin kita." Seryosong saad niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Alam ko! Wala na kasing nangungulit at nagpapasakit ng ulo mo."

Natawa siya sa sinabi ko. "Nasaan ka ngayon?"

"Ah? Naglalakad sa kalsada."

"Saan ka pupunta?"

"Actually, may hinihintay ako ngayon—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang marinig kong nagkakagulo sa kabilang linya. "Taki? May problema ba?"

"I have to go now, Bella. I'll call you later." Seryosong wika niya.

Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil pinatay na niya ang ng cellphone. Kinabahan ako bigla, magiging okay naman siguro sila?

Teka, back to business, nasaan na nga pala ang freak na iyon? Ang lakas ng loob na magsabing bawal ma-late pero siya pala itong late. Nagugutom na ako. Nang may dumaan na roving fishball vendor ay pinahinto ko ito at bumili ako.

"Hey!" may tumapik sakin.

Inis na nilingon ko ito. Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang makita ko si Jarvis na gwapong-gwapo sa kanyang outfit at naka-sunglasses pa. Mabilis na nginuya ko ang aking kinakain at saka nagsalita. "Ayos ka rin Mr. Fortalejo, pinaghintay mo ako ng matagal dito."

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bakit parang bigla akong na-conscious nang gawin niya iyon?

"Have you ever dated someone?" inis na tanong niya sa akin.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon