Chapter 5: School Bullying

346K 6.1K 882
                                    


Chapter 5: School Bullying

Bella's Point of View

Mabilis akong tumakbo patungo sa room ng second subject ko. Dahil nakipag-usap pa ako kay Ms. Melissa ay hindi ko napasukan ang aking first subject. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may kasalubong ako, huli na para umiwas dahil nagkabungguan na kami.

"Ouch," hinaing ng babaeng nabangga ko.

Masakit nga! Tumayo ako para pulutin ang mga libro na nahulog sa sahig. "I'm sorry, Miss." Sabay abot ko sa kanya ng mga napulot ko.

"Oh!" gulat na sambit niya. "It's you."

Ako? Takang isip-isip ko.

"Ikaw yung kumalaban kay Kuya Jar."

Jar? Huwag niyang sabihin ang mayabang na lalaking iyon ay tinutukoy niya?

"Thank you pero kung ako sa iyo, lumipat ka na ng ibang school, miss." Seryosong saad niya.

"Bakit naman? Wala naman akong ginawang masama." Seryosong saad ko din sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Hindi mo ba kilala kung sino ang Black Dragon Gang?"

"Hindi." Maikling sagot ko, kahit alam ko na kung sino na sila.

"Sila ang number one gang dito sa Pilipinas kaya nga marami ang takot sa kanila. Hindi ka ba natatakot?" nag-aalalang wika niya.

"Hindi." Sagot ko ulit sa kanya. "Uhm... thank you sa concern mo Miss Pretty, pero okay lang ako. Mauna na ako kasi male-late na ako sa second subject ko."

Napailing na lamang siya. "Basta binalaan na kita, kaya dapat hindi kita makitang umiiyak. Mag-iingat ka." Sabay talikod niya.

Hahabulin ko sana siya para tanungin ang kanyang pangalan pero hindi ko na nagawa dahil gaya ko, mukhang nagmamadali rin siya.

Jace's Point of View

Nandito kami ngayon sa classroom. Sa totoo lang, ngayon lang ulit kami pumasok ng "classroom". Pumapasok lang kami kapag exam na. Napatingin ako sa mga babaeng nasa harapan namin na panay ang lingon sa amin. Kinindatan ko sila at kilig na kilig naman sila.

"Kyahhhhhh! Ang gwapo nila."

Lumapit pa ang isang babaeng sexy sa akin. Isa siya sa naka-date ko dati. "Hi Handsome, wanna date with me again?

Natawa ako sa sinabi niya. "I'm sorry babe, I'm busy." Sabi ko sa kanya na ikinasimangot niya. Isang beses lang akong nakikipag-date sa babae. Once is enough!

Napatingin ako sa babaeng umiiyak patakbo palabas ng classroom. Nilingon ko ang may gawa nun, walang iba kundi ang masungit kong pinsan na si Trace.

"May pinaiyak ka na naman Trace, paniguradong tuwang-tuwa na naman si Grace," natatawang kantiyaw ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama. "Bakit ba kasi sumama pa ako sa inyo? Nakakarindi ang ingay ng mga babae dito."

"Pero kay Grace hindi?" balik ko sa kanya na ikinairita ng mukha niya.

"Shut your f*cking mouth!"

Nagkibit balikat na lamang ako. Mukhang galit na siya, masama pa naman galitin ang natutulog na dragon.

Napatingin ako kay Jarvis na naglalaro sa likod ng dart. Sa bawat classroom ay may dart board na nakalagay sa harap at likod, sponsored by Fortalejo. Napailing ako nang makitang hindi pa rin naaalis ang bad mood niya. Kawawa talaga ang mabubuntungan niya ng galit.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon