Last Photo - Epilogue

3.9K 175 42
                                    

                         [ Last Chapter :D Salamat sa mga nag basa. KISSES FOR YOU ALL!!! Maganda yung kanta. Mahal Kita by Kyla. Saktong sakto sa story :) ]

               *Sam*

               Ang ganda talaga ng isang to. Naka-isa ako kay Von. Sana hindi sya mailang sakin sa ginawa ko, bestfriend hug lang naman yun eh.

               Nahagip ng mata ko ang likes at parang lumundag, scratch that, lumundag na talaga ang puso ko. Bakit? Ni-like din kasi ni Von yung picture na yun. Ang galing galing talaga.

               Nilipat ko na yung picture at bumalik na sa unang picture, yung bago pa lang mag umpisa. Clinose ko na yung batch ng pictures na yun. At ang sunod na naka-tag ay nag patakbo ulit nang mabilis sa puso ko.

               Sabi sa notification. 'Von Salazar added 1 photo with you'

               Nakikini-kinita ko na yung picture, pero mas ginusto ko na rin na tignan sya nang buo.

               ***

               "Good night guys" sabi nung host.

               Tapos na kasi yung party pero may nag papatugtog pa sila habang papalabas pa lang yung mga umattend. Mahal Kita by Kyla.

               (Paki-play na lang dun sa gilid :D)

               Kami hindi pa kami uuwi, ayaw naming makipag siksikan sa gate, makakauwi rin naman kami.

               Nakaupo parin kami ni Von sa table, yung iba picture parin nang picture.

               "Nag enjoy ka ba?" tanong ko sa kanya, kahit alam kong hindi.

               "Oo naman" sagot nya.

               "Wushu! Nag-enjoy ka? Ni hindi ka nga man lang ngumiti buong oras, kahit na sa mga picture" sabi ko.

               Tumingin sya sa malayo. "Napansin mo?"

               "Oo naman, kapansin pansin kasi eh" sagot ko.

               Tumingin sya ulit sakin. "Sabi ko naman kasi sayo..." huminga ulit sya nang malalim. "Ngingiti lang ako kasama ang mahal ko"

               Huminga rin ako nang malalim tapos tumango. "Oo nga pala"

               "Ikaw, nag enjoy ka ba?" tanong nya rin.

               Nag isip muna ako sandali. "Oo" kahit naman papano, nag enjoy rin ako. "Kasama kasi kayo eh" sabi ko, pero mas gusto ko talagang sabihin na 'sya' lang, sapat na.

PhotosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon