1st photo

5.2K 141 3
                                    

                       [ Okay, wala lang XD Enjoy na lang XD ]

               *Sam*

               Pag open ng unang picture, lumantad sakin ang mga nakangiting kaitsurahan namin.

               "Hahaha! Eto yung mga picture bago mag papasok sa school" sabi ko sa sarili ko.

               Kada may dadating na bagong kaklase, picture kami nang picture. Buti nga ako hindi nakakahiya ang itsurako dito. Yung iba kasi ang puputi sobra ng mukha, yung iba naman ang kakapal talaga ng make-up, parang clown na sila.

               *~*~*~*~*~*

*Ilang oras na nakaraan.

               *7pm

               Pag tapos kong maligo hinanap ko kaagad yung damit ko. Long sleeve polo sya na ang design ay black roses, white yung lines. Pinabili ko pa talaga to kay Mama para sa okasyon na to. Nung makita ko sya, agad ko syang sinuot bago ko hinalungkat ang pang ibaba ko.

               Pantalong itim din ang suot ko para all black ako. Syempre, dahil all black, black din ang sapatos ko. Nung ayos na ang suot ko, naligo na ko sa pabango at inayos ang buhok.

               "ATE!!!" pag tawag ko sa Ate ko.

               Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok sya dala dala ang mga gamit nya.

               "Ready ka na?" tanong nya.

               Tumango ako.

               Umupo ako sa upuan sa harap ng salamin.

               "Pikti ka" utos nya.

               Dahil minsan lang ang event na to, gusto kong maging gwapo talaga ako. Kaya nag paayos ako kay Ate, yung pang lalaki lang syempre. Dahil sa gusto kong mag mukha akong goth, sa mata ang pinatuunan ko ng pansin kay Ate. Nilagyan nya ng itim na eyeliner ang paligid ng mata na lalong nag paganda sa mga to. Chinito kasi ako kaya bagay sakin yun.

               "Yan!" hinawakan nya ang baba ko at nilingon lingon sa magkabilang direksyon. "Ang gwapo mo na lalo" sabi nya.

               Tinignan ko sa salamin ang sarili ko. Para na kong frustrated na binatang laging bina-busted. Bagay na bagay sakin yung pag kaayos ng mata ko, bagay sa damit. All black.

               Kaya naman gusto ko talagang maging gwapo sa gabing ito, dahil siguradong makakasama ko rin si Von. Bestfriend kami nun at mahal ko sya, pero ako lang ang may alam. Gusto kong mapansin nya ko.

PhotosOù les histoires vivent. Découvrez maintenant