5th photo

3.4K 120 8
                                    

                           [ Three chapters na lang ata XD YEY! ]

               *Sam*

               Nilipat ko na yung picture. Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung bakit sinabi ni lady in blue yung mga yun.

               Yung mga sumunod na picture, puro group photos. Eto yung una, kasama yung babaeng bakla, walang tigil ang bibig at parang kiti-kiti. Nasa pagitan namin sya ni Von habang nakasukbit ang dalawa nyang kamay sa tig isa naming kamay ni Von at ang back ground namin, mga kaklase rin namin. Maramihan na kami, yung iba kasama talaga ako.

               "Ano to?" tanong ko sa sarili.

               May naka-tag nanaman sakin nang wala ako. O baka nahagip lang nanaman ako, malamang.

               Syempre hinanap ko nanaman ang aparisyon ko sa larawan at hindi nga ako nag kamali. Nahagip lang mukha ko sa picture, medyo malabo nga lang. Bakit pa kaya nila to tinag sakin? Hay nako.

               Huminga muna akong malalim bago nag patuloy. Maraming pang group picture ang naka-tag sakin. Yung iba hindi na talaga ako kasama pero karamihan aparisyon ko lang.

               ***

               Bumalik na ko sa table namin, ayaw ko munang mag isip nang mag isip tungkol dun sa sinabi ng babae na yun.

               "Sino yun?" matigas na tanong ni Von.

               Nag kibit balikat ako. "Hindi ko kilala eh, narinig mo naman ata na tinanong ko kung anong pangalan nya"

               "Eh bakit sobra kayo kung mag yakapan?" tanong nya.

               "Ah eh..." ano bang sasabihin ko? Kahit kasi yung dahilan nung babaeng yun ang lame eh. "Crush nya raw kasi ako at dun lang sya nag kalakas ng loob para lapitan ako. Kaya nag-request ng yakap" paliwanang ko.

               "Psh" lumingon na lang sya sa ibang direksyon at hindi na muna ako kinausap.

               Shit, parang imposible na talagang ngumiti si Von. Parang badmood na sya e, bakit? Na-badtrip dahil sa pag yakap ko nang mahigpit dun sa babae. Baka yun yung mahal nya.

               Oo nga naman, bakit hindi ko naisip yun? Yinakap ako nang mahigpit nung babae para pag selosin si Von. Para malaman nya kung mahal ba sya nito. Kaya nya rin siguro sinabing goodluck kasi nga alam nyang mahal ko si Von at kanina, nalaman nyang sya yung gusto ni Von.

               Oo nga, yun nga ang lahat nang yun.

PhotosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon