Photos [ShortBxB]

10.6K 156 5
                                    

Picture tells a thousand words. But what if, it also reveals some secrets?

*Prologue

                *Sam*

                "AAAAHHHHHH!!!" ang sarap mag unat ng katawan.

                Lalo na pag masarap ang tulog dahil sa sobrang pagod. Bakit? Kagabi kasi may acquaintance party kami. Umattend ako dahil sa iisang dahilan. Ang makasama sya. Sino? Si Von. Oo, may gusto ako sa kapwa ko lalaki. At walang ibang may alam nun.

                Sinamahan ko sya buong gabi, buti nga at walang nag bibigay ng malisya saming dalawa. Dahil bestfriend lang ang tingin nya sakin at alam kong hanggang dun lang yun, kaya hanggang dun lang ang ginagawa ko.

                Masakit mang isipin, wala e, hanggang dun lang talaga. Pero sa buong gabi na mag kasama kami, hindi ko sya nakitang ngumiti. Nung tinanong ko sya ang sagot lang nya sakin, 'Ngingiti lang ako, kasama ng mahal ko'.

                O diba, obvious kaagad na hindi ako yun. Kasama ko sya sa lahat ng oras pero hindi sya ngumiti.

                Hay nako, kay aga aga ini-stress ko kaagad ang sarili ko.

                Bumangon ako at dumiretso sa computer kong hindi ko napatay. Pag open ko ng FB may ilang notification ako. Yun lang, wala nang iba. Sigurado ako puro tungkol to sa party kagabi. Medyo late na rin kasi, alas dyis na ng umaga.

                Pag open ko ng mga yun. Mga nakakaasar na game request lang ang karamihan. pero nung tinignan ko pa sa bandang ibaba...

                "Uy, mga pictures ah"

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

A/N: Short story lang sya :D Promise, hindi kayo mag sisisi sa isang to :D

PhotosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon