CHAPTER 22: That was close

17.2K 142 38
                                    

CHAPTER 22: That was close

CALVIN'S POV

"Ano ba magandang panuorin? Yung nakakatakot kaya." naririnig ko pa ang diskyusyon nila sa may salla. Nandito kasi ako sa may kitchen, nag-aayos ng ipapakain sa kanila. Okay na kaya 'tong mga 'toh? Halos maubos na ni monggi yung mga pagkain eh.

"Uy pre, tulungan na kita diyan." bigla namang sumulpot si Trent sa may likuran ko. Inutusan ko syang ilabas na yung mga inumin dun sa fridge habang ako ay nagluluto ng popcorn dito sa microwave.

"Lahat na ba 'toh?" tanong ni Trent, um-oo ako at nilabas niya yung mga lata ng coke, sprite at root beer. "Di ko alam mahilig ka pala sa mallows, Calvin. Dami ah." sabi niya. Tumawa na lang ako ng mahina at napa-iling. Halos lahat ng laman ng fridge namin ay kay monggi. (-__-)

"Dahil siguro kay crush kaya ka maraming mallows, noh?" tanong sa akin ni Trent. Tumabi sya at inayos yung mga drinks-in-can. Napatingin naman ako sa kanya pero hindi nagsalita at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

"Pumupunta ba sya dito?" tanong niya ulit. Ang kulit niya, kahapon pa talaga. Ganyan niya ba kagusto si Marshie?

"Hindi naman madalas." I answered. Nag-nod lang si Trent.

"Ah, sige. Pa-gamit restroom ha." maya- maya sabi niya at naglakad kasi alam naman niya kung saan. Ayos na yung popcorn at nilagay ko iyon sa bowl. Tumikim ako ng isa nang may bigla akong naalala....

SHIT. (~__~)!!

Yung mga napkin ni Marshie!!!!

"TRENT!!" napasigaw ako at mabilis kong sinundan si Trent. Papasok na sya doon sa loob ng restroom. Lumingon sya sa akin.

"Oh, bakit, Calvin?" tanong niya, nakahawak na sya sa door knob.

"Fck, man. Barado dyan! Dun ka na gumamit sa kwarto ko sa taas!" natataranta kong sabi sa kanya tapos hinila sya palayo. Nagtataka naman si Trent.

"Oh, oh.. Relax lang! Oo dun na ako gagamit sa taas. Haha." sabi niya, tinutulak ko na sya palayo. "Kaw naman, kung anong milagro ginawa mo dyan siguro noh." asar niya sa akin habang tumatawa. Nginisian ko na lang sya.

Agad akong pumunta sa restroom nung maitaboy ko si Trent. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang napakakalat na CR. Hindi man lang ba maitapon ni Marshie ng maayos yung tissues at napkins na ginamit niya? Nandidiri man ako, inilagay ko yung mga kalat niya sa plastic. Tinaggal ko lahat ng nakakalat at sinigurong walang clue na may babaeng gumagamit ng CR na 'toh.

SHIT. (~__~)!!

Bigla ko na namang naalala na hindi ko nga pala pwedeng pataasin kahit sino sa taas!! Stupid!! Mabilis akong tumakbo pataas na halos nagsilipan sakin sina Gab, James at Rome na nasa salla dahil para akong superman na tumaas. Dammit. Ang hassle talaga nito!!

MY FOOLISH LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon