CHAPTER 9: Deal

20.2K 155 8
                                    

CHAPTER 9: Deal

MARSHIE’S POV

 

“Marshie, sure ka bang dito ka na magpapababa?” nakasilip si Trent sa may bintana ng kotse niya. Nakatayo ako ngayon dito sa may kalsada.

“Ah, oo. Don’t worry, Trent. Susunduin ako ng kaibigan ko. Hehe.” Sabi ko sa kanya ng nakangiti at umaakto na ayos lang talaga ang lahat.

“Ahh. Can it be na si Calvin yung susundo sayo?” tanong niya ulit. (O___O)

“Ha? H-Hindi noh! Grabe ka naman. Friends kami ni Calvin pero hindi lang sya ang friend ko! Hahaha!” sagot ko.

“Yeah, of course. I was not serious about that. Ahm, sige. Marshie… kung diyan ka na talaga, I better go. You can text me kung safe kang nakauwi sa inyo ha?” sabi niya. Waaaa~ concern much naman sya sa akin!

“Sure! Ingat sa pagda-drive! And thanks sa dinner! ^^” sabi ko atsaka kumaway nung nag-drive na sya paalis. Nung ihahatid na kasi niya ako, dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain ng dinner.

Umalis ako sa tabi ng kalsada kasi baka masagasaan ako eh. Pumunta ako sa may bus stop. Kinuha ko yung phone ko para sana tawagan si Calvin na sunduin niya ako. Hindi kasi ako makapag-pahatid kay Trent sa bahay nung maalala kong baka malaman niya na kay Calvin ako nakatira. Huhuhu.

 

“ARE YOU SERIOUS?!!” hindi ko sinasadyang mapasigaw at masipa yung basurahang malapit sa akin nung pagkuha ko ng phone ko ay dead battery ito. As in, hindi man lang mag-bukas. Nakakairita na talaga! Kung nandito lang ang babes ko hindi ko kailangang mag-taxi!! Ughhh!! I badly need to get my own car!!!! (>____<)

CALVIN’S POV

“Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Sinong kasama mo? Anong ginawa niyo? Alam mo bang naghintay ako? Bakit ang tigas ng ulo mo? Alam mo ikaw ang pinaka-pasaway na taong nakilala ko.” salubong ko kay Marshie pagbukas na pagbukas ng pinto ng bahay namin.

“Yeah, good night to you, too.” walang ganang sagot niya sa akin at dumiretso papasok. Aba’t talagang! Nilagpasan pa ako?!

 

“Hoy Marshie! Tinatanong kita! Saan ka pupunta? Mag-usap tayo!!” habol ko sa kanya. Nakaka-badtrip na naman kasi sya! Ginagantihan niya ba ako dahil naghintay rin sya noon sa airport? Kasi naghintay rin ako sa kanya sa parking lot nung uwian kanina!

“Calvin, please. Pagod ako.” halata sa boses niya na pagod sya. Umakyat sya ng hagdan papunta sa kwarto niya. Susunod sana ulit ako ng may mapansin ako… Hindi ba yung mga asawang babae ang gumagawa ng ginagawa ko ngayon sa TV? Eh bakit sa amin ako ang gumagawa nito? (~____~)?

MY FOOLISH LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon