ELEMENTIA 15: Knights in Training

138K 4.6K 737
                                    


Chapter XV

'Knights in Training'

~*~

SUMMER


*DREAM*

Napakunot-noo alo ng magisin ako sa malamig na haplos ng hangin at mabungaran ko ang isang hardin. Maraming magagandang bulalak na iba't iba ang laki. Nasa tamang tabas naman ang mga palumpong. Sa harapan ng kinauupuan ko ay isang fountain na may desenyo at sa gitna nito ay estatwa ng dragon, ahas at lobo.

"Kamusta na Prinsesa."

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses na yon.

"I-Ikaw na naman? Nasa panaginip na naman ba ako?"

Sa kabilang parte ng fountain ay nakatayo ang lalaking may abong kutis!

"Nasaan ako? Saang parte ito ng akademya?" wala kami sa akademya!

"Sino ka ba talaga? Bakit nasa panaginip kita? Don't tell me ikaw ang soulmate ko?!"

"Bakit ba lagi—"

Napahinto ako sa pagsasalita ng tumawa siya. May nakakatawa ba sa mga tanong ko?

"Hindi ko akalain na may pagkamahina sa pag-alala ng pangalan ang aming prinsesa," nakangiti nitong sabi.

"Excuse me, hindi lang kita kilala kaya nakalimutan ko ang pangalan mo," taas kong kilay sa kaniya.

Naglakad palapit saakin hanggang sa magkatapat kami. Hindi naman siguro niya ako sasaktan 'di ba? Mukha naman siyang mabait, wish ko lang.

"I am Froze," seryoso niyang sabi.

Napaisip ako sa pangalang sinabi—nanlaki ang mga mata ako at napaupo sa kinauupuan ko kanina ng mapahakbang ako paatras.

"I-Ikaw 'yong lobo! Matanda ka na!"

Napapikit ako ng lumapit siya at itaas ang kaniyang isang kamay. Sasakalin ba niya ako? Pupugutan ng ulo?

Napahawak ako sa aking noo ng maramdaman ko ang pagpitik niya rito.

"Mukha ba akong matanda?"

"Hindi, pero mukha kang alien na may itsura," kahit kakaiba ang kulay ng balat niya ay gwapo siya. "Ano ba ang kailangan mo saakin? Bakit ka nagpapakita? Sa pagkakaalam ako ay matagal ka ng wala sa mundong ito, pati na rin ang mga kasama mo."

Inihanda ko ang aking sarili ng sumeryoso siya at tumalim ang kaniyang mga mata. Kahit mas mahusay siya saakin ay handa akong labanan siya kong kinakailangan.

"Sa pagbabalik mo rito sa elementia ay ang muling paggising ng kaluluwa ni Hiram. Binigyan kita ng libro upang makilala siya, ang reyna ng kadiliman. Hindi man buo ang kaniyang kaluluwa ay nakahanap siya ng katawan na pwedeng kumumpleto sa kaniyang kasamaan."

Napakunot-noo ako sa kaniyang sinabi. Ang libro na tinutukoy niya ay ang libro ng Elementia?

"Ang libro na Elementia ba ang tinutukoy mo?"

"Yon nga, Prinsesa."

Napahinga ako ng malalim. Ninenerbyos ang kagandahan ko sa patutunguhan ng pag-uusap naming ito.

"Anong kinalaman ko kay Hiram?"

Maganda ba siya? Mala diyosa rin ba ang kaniyang itsura tulad ko?

Elementia Academy: The Long Lost GuardianWhere stories live. Discover now