ELEMENTIA 06: SECOND DAY

177K 5.9K 360
                                    

Chapter VI

'Second Day'

~*~

SUMMER

Napataas ako ng kilay habang nakatingin sa dalawang fairy na nasa isang sulok—I mean sa kabilang dulo, sa kama ni Rose. Mukha silang walang tulog, magulong buhok at namumulang mga mata. Para silang drug addict sa kanilang itsura.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa at nagsisisiksikan kayo diyan?" tanong ko bago i-unat ang aking mga kamay.

Lulugo-lugo akong tumayo sa kama, kong pwede lang ay manatili muna ako sa piling niya pero naalala kong may klase pa ako. Padabog ako naupo sa upuan na nasa tabi ng bintana. Nananakit ang katawa ko, dahil sa combat class. Kong alam ko na lang na magkakaroon ng ganitong subject ay sineryoso ko sana ang pinagtuturo saakin noon ni Daddy.

Akala ko kasi forever na akong my butler slash bodyguards!

"Ayos lang ba kayong dalawa?" nababahala ako sa kinikilos ng dalawa.

Lalapitan ko sana silang dalawa ng kumislot sila at takot na takot na nakatingin saakin. Ano bang nangyayari sa dalawang ito?

Tumingin ako sa salamin na nasa sidetable ko at ininspeksyon ang mukha ko, mata ko, ilong ko, labi ko, maging ang dalawang tenga ko.

Kompleto naman, maganda parin ako.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Nababaliw na ba kayo?" inis kong tanong sa kanila. "Teka, mali mali ang tanong ko, baliw na pala kayo. Nag-aadik na ba kayo?"

Sinamaan nila akong ng tingin, napaayos na rin sila ng upo. Bumalik na sila sa katinuan.

"Grabe ka naman, mukha ba kaming baliw?" inis na tanong ni Rose.

"Sasagutin ko ba tanong mo o tatahimik na lang ako para hindi ka masaktan?" tanong ko.

"Umagang-umaga Summer ha!" nakangusong sabi ni Lockette at padabog na tumayo.

"Inuumaga niyo ako e, sa ganda kong 'to ganyang itsura ang mabubungaran ko pagkagising?" kahit maaga pa para magtaray, kapag ganito naman ang mga kasama mo ay hindi ko mapigilan. "Umayos-ayos kayong dalawa ha!"

Kinuha ko na ang twalya ko at pumasok na sa banyo upang maligo. Papasok na ako ng maaga, para maabutan ko ang unang klase ko.

Bakit parang may nakalimutan ako kahapon?

Napahinto ako sa pag-sha-shampoo ng may maalala ako—oh my god!

"Beside your class schedule ay magkakaroon ka ng special class upang magising ang iyong charm."

Napailing ako ng maalala ko ang sinabi ni Headmaster. Agad kong tinapos ang paliligo at pagbibihis, I will deal with it later. Napaatras ako bigla ng mabungaran ko ang dalawa sa labas ng bookshelf.

"Ano ba! Hindi man lang kayo nag-ayos," angil ko sa kanila. Nagmukha kasi silang multo dahil sa nangingitim na nilang eyebags. "Saka na kayo magpaliwanag, kay langan ko ng umalis. Jalga najung-e bwa!

Trans: Bye see you later!

***

Dumaan muna ako sa cafeteria upang kumain saglit bago pumasok, hindi tulad kahapon na nagkalat ang estudyante ngayon sa hallway. Maging yong nawasak na pader dahil sa impaktitang si Kim ay naayos na.

Nang makapasok ako sa cafeteria ay may isang paru-parung lumagpas saakin.

"Oh my god!" naging tao ang asul na paru-paru kanina!

Elementia Academy: The Long Lost GuardianWhere stories live. Discover now