Chapter 12.1

21 0 0
                                    

★ Chapter 12.1: Doubtful ★

AO'S POV

Pagkagising ko agad akong naligo para kitain si Michelle. Nagkaro'n daw kami ng anak, nagkaro'n ng bunga. Gusto kong sabihin na bibigyan ko na lang siya ng pera para mapalaki niya ng maayos ang anak niya.

"Damn!" Hindi ko matanggap!

Mga sinabing pangako ay agad na mapapako. Ang mga ginawang memorya ay agad na mawawala. Memoryang akala mo panghabang buhay ngunit panandalian lamang pala.

....

"Oh, saan ka pupunta?" Saad ni Apricot.

"Ano. S-si Raven. Pupuntahan ko si Raven." Tss. What a great liar, Ao.

"Sige, ingat." At agad akong sumakay sa Big Bike ko.

Nagpark na ako sa malapit na entrance ng cafe shop dito. Nakita ko agad siya at nakita niya ako kaya agad siyang ngumiti sa akin.

Pumasok na ako at pinuntahan siya.

"Ao, buti naman pumunta ka. Akala ko hindi kasi pupuntahan mo siya." Alam niya palang may gf ako bakit pa siya nakikipaglandian sa akin?

"So papadalan na lang kita ng pera para sa anak mo. Pangaral, pangkain, damit o ano pa mang kailangan ng anak mo." Okay na 'yon. Tumayo na ako at umalis n--

"Raven?" Parang nakita ko siya.. Tinignan ko ulit 'yong nasa dulong table pero wala na. Namamalik mata lang siguro ako. Pumunta na ako ng R.U.

-ROYALS UNIVERSTIY-

"What took you so long? Where have you been?" Pawis na pawis ako sa pagkakabungad niya sa akin.

"Raven! H-hi. Good morning!" Magsisinungaling ba ako? Nakita ko talaga siya kanina—pero namamalik mata lang ako. SAKA PAANO MANGYAYARI? EH ANDITO SIYA SA SCHOOL. "Nalate lang ako nagising." Sabi ko. Shit, dapat hindi ako ganito. Agad ko siyang inakbayan.

"Namiss mo na ako agad? Haha! Mas namiss kita!" Sabi ko ulit at kinalimutan na ang nangyari.

"Tss. Don't you dare lay your hands on me." At umalis siya. Bakit?

Pinuntahan ko si Flame dahil siya ang naisip ko. Nakita ko siya sa Underground Heaquarter.

Flame.

"Hey bro." Bati niya sa akin.

"Flame, sinabi mo ba? About sa video?" Gusto kong protektahan si Raven. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto siyang maging miserable ng kanyang pinsan.

"Oh, you're scared. Don't be bro. Wala akong sinasabi o pinapakita. 'Wag na 'wag mo lang sasabihin ang mga narinig mo kundi pati relasyon niyo wasak na wasak na." Pananakot niya.

Pero! Gusto kong protektahan si Raven kahit mawala ang relasyon naming dalawa ng magkaibigan Naging masaya ako na pinayagan niya akong manligaw at sapat na iyon. Dahil sa tingin ko ay hindi talaga kami para sa isa't isa. Umalis ako ro'n ng malamya. Paano na? Relationship or Honesty? ARGH!

Nakita ko siya. Nagt-train na naman siya mga bagong salta. Wala naman akong nararamdaman na masama sa kanila dahil mapapatay ko sila agad kung meron mang nakapasok na RP dito.

Pinuntahan ko siya at tinignan.

"Okay, the first one would be the oblique or scoop kick. An oblique or scoop kick strikes targets such as a knee diagonally versus a stomp kick which strikes downward vertically." At dinemonstrate niya naman sa bagong salta, si Archer ata iyon. Tch, weak.

Hail The Queens: Knight & RookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon