Chapter 10

29 0 0
                                    

★ CHAPTER 10: Mavelo University ★

JULIA'S POV

Heto ako ngayon, nag-iisaaaaa~ Ay butiki! Kanta nga pala iyon.

"Kamusta pala sa Japan?" Sabi ng nanay ko.

"Maganda po roon! Sasusunod tayong tatlo naman ang makakapunta sa Japan! Nay? Masaya po ba kayo at nahanap ang ibang kamag-anak natin?" Ani ko.

"Aba'y oo naman anak! Alam mo sa una hindi ko talaga ito gusto. Pero andito na tayo at magpapasalamat na rin ako dahil nakilala mo si Red. Kasi kung hindi dahil sa kanya walang magiging katarungan ang pagkamatay ng tatay mo at iba pang pamilya natin." Oh 'di ba! Pati nanay ko war freak, haha! Joke lang.

Nasa 50 rin kaming umuwi ang dami noh? Kulang pa nga raw 'yan at 'yong iba nasa China, Toronto, South Korea, at Italy pa. Masyado na silang kalat, syempre after daw talaga ng war na 'yon nagbagong buhay na ang karamihan pero syempre dahil ang AC at Empire of Royals ay hindi mag-iiwanan.

"Alam mo anak? Akala ko magagalit ka talaga sa 'kin dahil ang tagal ko ng itinago ang lahat ng pagkatao natin. Gusto ko lang protektahan ang natitirang mahal ko sa buhay. Napakadelikado ang buhay ng isang gangster. Dapat kapag naging gangster ka na tanggapin mo na ang mga mangyayari sa future. Pero nga dahil sa good gangsters tayo pati buong mundo dapat nating iligtas sa RP na 'yan." Tama siya pero 'wag din nating hayaan ng mangyari iyon.

"Alam mo, nay. Naintindihan kita dahil kung ako siguro ang nasa posisyon mo gagawin ko rin 'yan sa anak ko." Maraming linggo na ang nakalipas. 1 week na rin simula ng umalis kami sa Japan. Dahil matagal pa ang pasukan ako ay magt-training muna pati si nanay at tito.

"Good morning!" Nagulat naman ako. S-si R-raven!

"Hindi na kayo titira rito. This would be a delicate place for you and on behalf of the Royals, they decided to transfer you in our Empire." Mamimiss din naman namin itong tinitirhan namin. Pero tama sila.

"Osya, gumayak na tayo." Sabi ni nanay.

"Okay, they'll wait for you outside because I have something to do, I will be going first, thank you." At umalis na rin siya.

Nagsimula na kaming magimpake, sana maging maganda ang buhay naman do'n.

"SISSY! WAAAH, OMG, SISSY!" Nagulat ako at bigla akong niyakap ni Red.

"Sissy naman! Parang namatay ako sa reaksyon mo diyan eh!" Sabi ko.

"Sorry naman! Ehehe, so pumunta ako dito para tulungan kayo sa paglipat ng mga things niyo sa Empire. OMG SISSY! NEIGHBORS NA KITEY!" Ha hano raw? Sige, wala akong naintindihan sa sinasabi ng baklang 'to.

At hinila na lang ako bigla nito. Tapos kinuha niya 'yong maletang pink, huh?

"Hey, bakit ka may maleta?" Tanong ko.

"Duh! I will give this to you noh! Para may maleta kang PINK! Hahaha! Puro backpack kasi ang bag mo eh! Tapos black pa! DUH, TOMBS KA BA?" Sige, isa pa! Babatukan ko na 'to.

"Fine! Tara na! Dami pang satsat eh." At hinila ko na rin siya.

Sa kakakwento ni sissy ng talambuhay niya na puro kakatatawanan natapos din pala kami agad.

"Tara na bago pa magdilim." Ani sissy.

Habang nasa byahe...

"Sissy! Naeexcite na talaga ako! Grabe, emerghed talaga!" Paano ba ako makakatulog nito? 2 oras na akong dilat noh dahil sa kakadaldal nitong katabi ko.

Hail The Queens: Knight & RookWhere stories live. Discover now