Chapter 3

666 21 4
                                    

PLEASE BE REMINDED THAT THIS CHAPTER WAS ALREADY A REVISED CHAPTER, THANK YOU.

Ang cast po ay naka-private na. :) 

***

CHAPTER 3: Who is him/she

JULIA'S POV

Shit! May narinig kami bigla. Ano 'yon? Tunog ng heartbeat? Tapos biglang nagtoot-toot 'yung heartbeat. It means dedo na? Pero shit! Wait.

Anong ibig-sabihin nito?

Anong gagawin ko?

Wala akong makit--

*SPLASH*

Nanlamig ako sa bumuhos na tubig sa akin . Fuck! Shit! Anong nangyayari?!

Kailangan ko ng makaalis dito sa kinalalagyan ko. Nakakahiya! Tumayo na ako pero sa sobrang lamig hindi ako masyadong makagala--

Biglang umilaw!

Napatingin ako sa itaas na may nakataob na balde. Shit! Nakatingin na ang lahat ng tao sa akin.

"Oh, akala namin may pasabog kang gagawin? 'Yung pala naliligo ka diyan." Sabi ni Lupa! FUCK YOU!

"Booooo! Hahaha! Boo!" Napaiyak ako sa inasal ng mga audience. Bigla kasing tumayo si Lupa at nagsign sa thumb niya ng boo. Tumakbo na lang ako kahit nilalamig ako. SHIT! Ang bigat pa nitong suot ko.

Pumunta ako sa isang sulok. Wala dapat makakakita sa akin.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Papa, akala ko magiging masaya ang araw ko. Kasi kakanta na ako sa harap ng maraming tao. Ang gusto ko lang naman maranasan 'to eh. Bakit hindi pa niya ako pinagbigyan?!

"BAKIT?! LAHAT NANG PASAKIT NA SA 'KIN NA! BA'T HINDI MO NA LANG AKO KUHANIN!? PAPA, KUHANIN MO NA AKO. ISUNOD MO NA AKO! AYOKO NG GAN'TO! Please..."

Kahit pumiyok pa ako. Wala namang makakarinig sa akin dito. Busy sila roon. Ang kasunod naman niyan eh party na ng school.

"SHIT! SHIT! SHIT! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Ayokong magalit ng ganito. Iba ang nagiging takbo ng isip ko! Kung sino ang may gawa nito sa akin! Gagawin kong sira ang mukha niya! Para kamuhian siya ng mga tao!

Julia, calm down. Dapat walang makakita sa akin na ganito ako!

*sigh*

"Julia naman. Ang ganda ng make-up sa 'yo ni beki tapos iiyak ka diyan? Tignan mo kalat na tuloy ang eyeliner mo. Nakakatakot ka na," sulpot ni Monique na ikinabigla ko naman.

"Haay, inimbestigahan ko ang nangyari pero wala eh. Hindi namin alam kung sino ang naglagay at sino ang nag patay lahat ng ilaw. Pero i'll help you, Julia." Hindi ko akalain na sobrang bait pala niya? Pero anong ginawa ko? Sinabihan ko ng masama. I'm stupid.

"Thank you. Hindi ko alam na mabait ka pala tapos sinabihan kita ng masama. Sorry ah? Ganito lang talaga ako. Marami ang gumugulo sa isip ko at dinagdagan pa nito. Ang daming nanonood, ang mga judges. Napahiya ako sa maraming tao," sabi ko kay Monique habang naiyak pa rin ako. Pero hindi 'yung hagulgol katulad kanina.

"Hindi muna kita matutulungan sa ngayon. Alam mo naman na ako ang organizer dito sa program niyo. Marami rin akong ginagawa, but as i've said magkikita naman tayo sa sunday. Text me later and I'll save your number. Then i'll text you my address." Ang saya lang pakinggan, dahil may kaibigan na ako.

Hail The Queens: Knight & RookWhere stories live. Discover now