Chapter 8: Sealed With A Kiss

82 2 1
                                    

Chapter Eight.

Yesterday's Wife

Althen's POV

"VAUGHN, CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?" sigaw ko sa harap ng table nila Vaughn habang 'yung magaling kong Ate at pangit nyang boyfriend nagdidiwang sa likod.

"H-huh? Te-teka Althen..naka-drugs ka ba?"

"WHAT?!" napasigaw ako sa inis. Tangina. Pagkayari kong lakasan ang loob kong tanungin siya, 'yun pa isasagot niya sakin? Aish. I don't deserve this! Kasalanan 'toh nung dalawa eh! Psh.

Tumingin ako ng masama dun sa dalawa tapos tawa sila ng tawa. Magsasalita na sana ulit si Vaughn kaso biglang nag-ring 'yung cellphone ko. Aish! Panira naman ng moment oh.

Napakunot 'yung noo ko nang makita kong si Ate Yana lang pala 'yung tumatawag. Pota. Anong problema niya?!

"Baby brother~!" napaka-arte niyang sabi. "Remember, kailangan mo din siyang mapasagot ngayon. HAHAHAHAHAHA. Goodluck baby bro." with that, in-end niya 'yung call. Aish. Bababaan ko dapat siya kaso naunahan niya ako.

Paano nga ba ako napasok sa sitwasyong 'toh? Damn it! I don't know what to do. Natatameme ako sa harap ni Vaughn.

"Uhm..Althen?" napabalik ako sa realidad ng magsalita si Vaughn.

Tangina. Bahala na. Nandito na 'toh eh.

"Vaughn.." hindi ko alam kung malambing ba ang dating ng pagkakasabi ko sa pangalan niya. Basta ang alam ko ipapaubaya ko na sa nararamdaman ko ang lahat. Pota. Ang corny ko talaga.

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo 'toh. Pasensya ka na ah, wala kasi akong lakas ng loob para harapin ka." huminga ako ng malalim tapos tinitigan ko siya. Nakita kong nangingilid na 'yung mga luha niya pero pilit pa din niyang pinipigilan.

"Oo. Totoo ang lahat ng naririnig mo. Totoong may gusto ako sayo Vaughn. Matagal na matagal na. Na-love at first sight nga ata ako sayo eh. Kasi nung una pa lang kitang makita, napabilis mo na agad 'yung tibok ng puso ko. Simula nung una kong makita 'yung mga ngiti mo, wala ng araw na hindi ko hinanap-hanap 'yun. Pati nga 'yung tawa mo eh. Gustong gusto kong naririnig 'yun. Kung alam mo lang kung gaano kalakas ang impact mo sa buhay ko. Binago mo ng sobra 'yung mundo ko." napahinto ako sa pagsasalita at bigla nalang napangiti dahil nagpe-playback sa isip ko kung paano ako nagsimulang magkagusto sakanya.

"Kaya nung araw na nilapitan at kinausap mo ako, kulang nalang magpa-party ako sa sobrang saya ko. Salamat sa wallet ko. Kung naging maingat ako nun, hindi ako nagkaroon ng chance para makausap ka. Buti nalang at naging pabaya ako nung araw na 'yun."

"Simula nun, naging malapit na tayo sa isa't isa. Araw araw mo na akong binabati kapag nagkakasalubong tayo. Pero ako, panay tango at ngiti lang sayo. Pasensya na sa katorpehan ko ah. Hindi ko kasi alam kung paano aaminin sayo 'yung nararamdaman ko."

"Pero kapalit pala ng matinding saya na nararamdaman ko nung naging close tayo eh matinding kalungkutan. Naalala mo ba nung kinuwentuhan mo ako tungkol sa taong gusto mo? Sobra akong nagulat nun, lalo na nung tumulo agad 'yung mga luha mo. Hindi ko alam kung bakit pero nung mga panahong 'yun, nararamdaman ko 'yung sakit na nararamdaman mo. At na-doble 'yung sakit na nararamdaman ko ng sabihin mong, ayaw mo ng mag-mahal. Lalo na kung sa isang katulad ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang huminto sa pag-ikot 'yung mundo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong mahalin 'yung isang tulad ko."

"At simula nun, lumayo na 'yung loob mo sakin. Hindi ko din namalayang napapalayo na din pala ako sayo. Hindi na kita makausap o malapitan manlang. Pakiramdam ko may malaking pader sa pagitan nating dalawa. Pero sana ngayon, hayaan mo akong unti unting gibain 'yung pader na humaharang sating dalawa. Hayaan mo sana akong alagaan at protektahan ka. Gustong gusto kong iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga." napayuko ako ng ma-realize kong ang haba pala ng speech ko. At walang karea-reaksyon si Vaughn kundi nakatitig lang sakin. Ramdam na ramdam ko 'yung katahimikan sa paligid habang nagsasalita ako. At ramdam na ramdam ko ding nakatingin silang lahat sakin. Aish. Pinagsisisihan ko na 'tong ginawa ko.

Pero 'yung pagsisisi ko naglaho ng marinig ko 'yung sinabi ni Vaughn.

"Yes Althen. Y-yes..I can be your girlfriend."

Hindi agad nagsink-in sa utak ko 'yung sinabi niya kaya naman napa-nganga ako dun na parang tanga. At nung na-realize kong pumayag pala siya handang handa na ako para yumakap sakanya kaso biglang nagsalita si Ate Yana. At pumapalakpak pa talaga.

"OH MY GOSH! Did you hear that? Pumayag si Vaughn! It was like a dream come true, diba Althen? My goodness. I didn't imagine na darating ang pagkakataong 'toh. At last! My baby brother is now officialy taken."

Aish. Panira ng moment eh. Hinatak ko si Vaughn palabas para naman hindi masira 'yung pagmo-moment naming dalawa.

"Sorry. Hindi ko alam na ganun ire-react ni Ate." sabi ko sabay punas ng luha niya. Kahit pala maldita, marunong ding umiyak.

"Its okay. Uhm. Althen..thank you." sabi niya sakin at saka ako niyakap. Napangiti naman ako dahil hindi ko akalaing maganda 'yung kakalabasan ng ginawa ko. Ni hindi ko nga pinagplanuhan 'yung speech ko. Salamat sa pakana ni Ate Yana at William. Kung hindi dahil sakanila, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong maamin kay Vaughn 'yung nararamdaman ko.

"Althen.."

"Hmm?"

"Sabihin mo nga saking hindi ako nananaginip."

"Paano kung ayokong sabihin?" napakalas siya sa pagkakayakap sa sinabi ko. Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong halikan siya.

"Pwede na ba 'yun? Pwede na bang iparamdam ko nalang sayong hindi panaginip 'toh?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon