Chapter 5.5: Stay With Me II

78 1 0
                                    

Chapter Five: Part II.

Yesterday's Wife

[ Caila & Kervin again on the right side. :"> Emeged. Ang sweet nila tignan oh. Mehehe. Team CAIVIN? XD ]

Kervin's POV  

Ilang linggo akong namalagi sa New York para makipag-usap sa magulang ko. Gusto kasi nilang sa New York na ako tumira at doon na din mag-aral.  

Matagal kong pinag-isipan kung papayag ba ako o hindi sa proposal nila. Nung una, pumayag ako. Dahil sa tingin ko, makakabuti yun sa amin ni Caila. Kasi ilang taon na din kaming palaging magkasama. Simula umaga hanggang gabi puro pagmumukha nalang ng isa't-isa nakikita namin. Naisip ko na baka pagsawaan niya ako kaya mas makakabuti siguro sa amin na kahit papano eh magkalayo kami.  

Pero nung sabihin ko sakanya ang balak ko, nagalit siya. In-explain ko sakanya ang lahat pero hindi niya ako pinakinggan.  

"Wala kang kwenta! Ganun na lang ba yun huh?! Dahil lang ayaw mong magsawa ako kaya mo ako iiwang mag-isa dito?! Akala ko ba dito ka lang sa tabi ko? Gago ka talaga! GAGO KA!"  

Natatandaan ko pa nun na iyan ang eksaktong sinabi niya sakin. Iyak siya ng iyak habang sige ang hampas sa dibdib ko. At ang tanga-tanga ko dahil hinayaan ko lang siyang umiyak at magalit sakin.  

Salamat kay Xander dahil sakanya nagbago ang desisyon ko. Kung hindi pa niya ako binugbog nun, hindi pa siguro ako matatauhan ngayon.  

FLASHBACK.  

Nakahiga ako ngayon sa kama ko nang biglang pumasok si Xander ng walang permiso at binati ako ng isang malakas na suntok. Damn it! Anong problema niya?  

"Gago ka ba Kervin?! Iniwan mo yung girlfriend mo dahil lang sa ayaw mong magsawa siya sayo?"  

Sabi niya at isang suntok uli ang tumama sa mukha ko.  

"A-ano bang problema mo Xander?! Bakit ka ba nakikialam sa desisyon ko?"  

Kinuwelyuhan niya ako at punong puno ng galit yung mata niya.  

"AKALA KO BA AYAW MO AKONG GAYAHIN HUH?! EH ANO 'TONG GINAGAWA MO? SIRAULO KA KERVIN! ANG KILALA KONG KERVIN HINDI TULAD KO! NASAAN NA ANG PINAGMAMALAKI MONG HINDI KA DUWAG?!"  

Napatungo lang ako sa sinabi niya. OO nga. Ayokong maging tulad niya. Ayokong gayahin ang kagaguhan niya.  

"P-pero kasi.."  

*BOOOOOGSH*  

Isang malakas na suntok nanaman ang pinakawalan ni Xander dahilan para mapaupo ako sa sahig. Kahit na sige ang suntok niya sa akin, mas nangingibabaw pa din yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko.  

"UMAYOS KA KERVIN! Balikan mo yung girlfriend mo. At siguraduhin mong hindi mo siya sasaktan."  

Sabi sakin ni Xander at umalis na din siya. Tama siya! Nangako ako sakanya noon na hindi ako magiging tulad niya. Sinabi ko pang kahit kailan hindi ako magiging duwag. Na ibang iba ako sakanya.  

Kinagabihan nagpasya akong sabihin sa mga magulang ko na nagbago na ang desisyon ko. Nalungkot si Mama dahil daw hindi niya ako palaging makakasama. Pero sa huli, pumayag naman sila. Mabuti naman daw at pinili ko kung saan ako sasaya.  

END OF FLASHBACK.  

Pagbaba na pagbaba ko ng eroplano, tinawagan ko agad si Caila. Sobrang miss ko na siya at gusto ko ng sabihin sakanyang hindi na kami magkakahiwalay.  

Pero nakailang tawag na ako, ni isa wala manlang siyang sinagot. Pinapatay niya yung phone niya kapag tumatawag ako. Kaya naman tinext ko siya ng tinext.  

Yesterday's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon