Chapter 7: Friday Night

111 1 1
                                    

Chapter Seven.

Yesterday's Wife 

[ Pretty Yana on the right side. :"> Nakakainggit ang kagandahang taglay ano po? Hihi. ]

Yana's POV

Kanina pa ako nandito sa harapan ng school ni Althen at hanggang ngayon hindi pa din siya lumalabas. Sinabi ng pupunta kami kila Yna ngayon eh. Katagal-tagal niya. May date pa naman ako mamaya.

Baka maging estatwa na ako sa kotse kaka-antay kay Althen kaya naman pumasok na ako sa loob ng school nila. At ang gwapo kong kapatid nakita ko lang naman na nakaupo sa taas ng puno at tulo laway na kakatitig kay Vaughn.

Nakaka-stress talaga ang katorpehan nitong si Althen.

"Vaughn!"

Sigaw ko para mapansin ako ni Althen. Nakita ko namang hindi siya mapakali sa taas ng puno kaya naman tawa ako ng tawa. Deep inside nga lang.

"How are you Ate Yana?" tanong ni Vaughn sabay beso sakin.

"I'm good. Nakita mo ba si Althen?"

Napataas yung kilay niya ng tanungin ko si Althen. Uhh. Something fishy, eh.

"U-uhm.."

Napansin kong hindi mapakali si Vaughn kaya naman lalo akong na-intriga kung anong nangyayari sakanila ni Althen. Aba! Hindi nagkukwento ang baby brother ko ah.

"Ate!"

Sigaw ni Althen. Nakita kong nag-aapoy yung mata niya sa inis habang tumatakbo palapit samin. Hahaha. Oh my, baby brother.

"Excuse me Ate Yana, I have something to do panga pala."

Excuse ni Vaughn tapos dali daling tumakbo palayo samin.

"Anong ginagawa mo dito? Tara na nga!"

Hinatak na ako ni Althen papunta sa school entrance tapos inangkin niya yung kotse ko dahil siya na umupo sa driver's seat.

"Bakit kasi ang tagal tagal mo? At talagang sa puno ka pa nakapwesto kanina ah. Unggoy ka ba huh, Althen?"

"May nakita ka bang gwapong unggoy huh, YANA?"

"A-ANO? Psh. Isusumbong kita kay Mommy! Hindi mo na ako ginalang!"

"Hahaha. Ate Yana, bakit ganyan porma mo ngayon? Bihis na bihis ka ah."

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Psh. Aasarin lang ako nito kapag nalaman niyang kami pa din ni William. At may date pa kami mamaya.

"Nakuuu! Mag-drive ka na lang dyan. Dalian mo!"

Ngayon lang ang chance namin na makilala yung lalaking makakasama ni Yna. Kasi naman hindi namin sinabi sakanya na alam namin na makakasama niya yung anak ni Mr. Cheng. Dahil kapag nalaman niya agad, for sure, aangal yun.

Pinagtataka lang namin ni Althen bakit si Yna 'yung lumipat. Ang alam kasi namin, yung lalaki 'yung lilipat sa bahay ni Yna. Kaya nga siya binilan ng sariling bahay at pinalipat ng school eh.

Ayun sa Private Investigator namin, pupunta daw sa Supermarket si Yna ngayon kaya saktong sakto, maiiwan yung anak ni Mr. Cheng.

"Ito na ba yun?" tanong sakin ni Althen.

"Yup! Mukhang ayos naman 'yung bahay nila. Lets go!"

Hinila ko si Althen papasok at napanganga kami pagbukas ng pinto. Ano ba 'toh? Bahay o rehab? Bakit walang kagamit-gamit? OMG. Nai-imagine ko kung paano umarangkada ang bunganga ni Yna nung nakita niya 'toh.

Yesterday's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon