I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. [C40]

3.7K 58 25
                                    

Chapter 40: 

***BRENT'S POV***

Umuwi na ako.. ang totoo  hindi ko alam kung paano ako ligtas na nakauwi dito sa bahay.. Sa bilis ng pagpapatakbo ko at sa mga luhang sagabal sa mata ko, eto ako't ligtas na nakarating sa bahay..

si daddy, sya na lang ang natitira sa akin.. kahit na ganun yun, mahal ko yun..

sya lang ang hindi ako kayang mahalin..

hahaha.. haaaaaaay.. Lahat sila ayaw sa akin..

Paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko kung wala namang nagpapahalaga sa nararamdaman ko..

TSS.. masyado na akong madrama..

Aakyat na sana ako ng mapatingin ako sa dining area.. Andun si daddy, kumakain.. Napatingin sya sa akin, ako naman nag-iwas na ng tingin.. humakbang na ako paakyat..

"Brent.." tawag ni daddy.. lumingon lang ako.. "Bakit basang-basa ka??" haaaaaay.. sermon..

-______- "maligo ka na at bumaba agad.. sabayan mo akong kumain, kakasimula ko lang naman.." 

teka.. nananaginip ba ako??? Tama ba ang narinig ko??? Si daddy ba talaga yun?? Nakatitig lang ako sa kanya..

"oi brent.. narinig mo ba ako??? "

"ah.. y-yes dad.."

"oh sya, bilisan mo na jan.. masamang pinaghihintay ang pagkain.. para na rin magkasabay na tayo.."

Nagmadali na ako sa pagligo ko.. 10mins lang bumaba na ako.. 

Ang tagal kong pinangarap na makasabay sya sa pagkain kaya hinding-hindi ko palalampasin 'to..

Nakatayo lang ako sa likod ng upuan ko.. Para akong bata na nahihiyang umupo..

Huling beses ko syang nakasabay kumain, kumpleto pa kami.. Kasama pa namin sina mommy at Bryan.. Ganoon na katagal..

"what are you waiting for? Sit down and let's eat.. Nagpaluto ako kay manang ng.. ah- teka hindi ko kasi alam ang mga paborito mong ulam kaya yung hilig lang lutuin ng mommy mo yung pinaluto ko.." sabi ni daddy

"ah dad" hindi pa rin ako umuupo.. "p-pwede ko po ba kayong mayakap??" nag-aalangan akong sabihin yan pero gaya nga ng nasabi ko na, ayoko ng palampasin ang pagkakataong 'to.. 

Biglang nabago ang expression nya ..

I shoudn't say that.. mukhang napalitan ng ibang aura yung dining area.. haaaaaaaay..

Namiss ko lang naman sya ng sobra..

uupo na ko ng tumayo sya..

Aalis na sya.. -__________-

Malapit na akong umupo ng yakapin nya ako.. Yakap na kay tagal kung hinintay at pinangarap..

Yakap na naranasan ko lang nung buo pa ang aming pamilya..

Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang yakap ng isang ama.. Napaiyak na lang ako..

"dad..dad, sorry kung pasaway ako.. Sorry kung palagi na lang gulo ang dala ko.. Sorry kung disappontments lang ako ang nabibigay ko sayo.. Sorry if i'm not the child you wanted to live.. And i'm sorry coz i'm the one who's responsible to mom and bryan's death.. I'm sor-"

"ssssh.. let's move on son.. at kung may dapat na humingi ng kapatawaran, ako yun.. Ako ang nagkulang.. Simula ng mawala sila, alam ko na hindi na ako naging mabuting ama.. Patawarin mo sana ako sa lahat ng pagkukulang ko.. Patawad kung hindi ako nakakapunta sa school activities mo.. Sorry if we didn't celebrate your 7th birthday, your 8th, your 9th, your 10th, until now we haven't go out to celebrate your birthday.. Patawad kung binabale-wala ko lahat ng achievements mo sa school, nung nagchampion kayo sa soccer, hindi ako pumunta sa california para suportahan ka..  Sorry kung sayo ko ibinaling lahat ng sisi ng mawala sila..Sorry for neglecting you.. Sorry for the things i've never done for you and to all the things I shouldn't have done.. Let's start a new life son.. kalimutan natin ang lahat, I promise, from now on I'll be a good father to you.. Pupunuan ko ang mga pagkukulang ko.." hindi ko na talaga mapigil-pigilan ang mga luha ko.. Hindi ko akalain na mangyayari 'to.. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, eto na ang itinuturing kong pinakamasaya..

I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon