I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. FINAL CHAPTER ='((

2K 41 20
                                    


FINAL CHAPTER


***ATHENG's POV***


9 months had passed.. marami ng nangyari..

After ko masaksihan ang kasal nila Dylan at Bridgette, dumating si Brent at dinala ako sa ospital..  Hindi naman ako gaanong nagtagal dun.. Marami nga yung bumisita sa akin.. Syempre mawawala ba naman ang tatlong best friends ko na sina Marty, Ken at Danna.. Bumisita din si Eit.. Pero yung mas nakakaiyak na part eh nung pagmulat ko ng mata, mukha nila mommy, daddy at ate yung masisilayan ko.. Sa huli, sila pa rin yung mga taong dumamay sa akin sa kabila ng pagtatago ko sa kanila..

Hindi nila alam na kinidnapped ako ng ama ni Bridgette.. Si Brent lang ang may alam sa mga kaibigan ko.. Sinabi ko na wag ng sabihin kina mommy dahil alam kong gugulo pa..

Sa ngayon, nag-aaral pa rin ako sa school namin ni Eit.. Naiilang ako kasi nagiging topic ako ng mga tsismosa don.. Alam na nilang hindi ko talaga totoong asawa si Kenneth. Kung tutuusin nagpapasalamat pa nga ako na di totoo yun kasi alam kong magiging kumplikado ang lahat kung sakali mang kasal ako sa kanya..

You know what? Namimiss ko na yung isang yun.. Hindi na rin kasi kami nagkausap after nung ball.. Sabi lang nila Marty, dinalaw daw ako ni Kenneth.. hindi nga pala nila kilala yun.. tapos si Brent, hayun, tinamaan na kay Steph.. hahaha! After ng ilang bwang pangungulit at pag-aalaga kay Steph, naging sila rin.. Buti pa sila, happy na with their baby girl.. Oo, nanganak na si Steph! 3months old na yung baby at syempre ninang ako, partner kami ni Enrique kapag bininyagan na si baby.. Speaking of Enrique, nanalo sya sa photography contest sa ibang bansa.. And his model is no other than Danna Gabriel! Haha! Bagay sila! Nasa ligawan stage na nga sila.. waaaaah.. sila na! sila na talaga ang may love life! Ako na wala.. psh!

haha! Ang daming nangyari sa amin sa loob lang ng isang taon..

Kung tatanungin nyo ako kung anong nararamdaman ko ngayon, masakit.. Masakit pa rin yung puso ko kasi this time alam kong hindi na talaga ako para kay Dylan at hindi rin sya para sa akin.. Natuldukan na ang lahat ng nag-uugnay sa amin ng magpakasal sila ni Bridgette at tumira sa ibang bansa..

He scarified his happiness para lang mabuhay ako.. Di ko akalain na may mga tao o ama na handang pumatay mapasaya lang ang anak nila katulad ng ama nila Bridgette at Cheska.. Akalain mo yun! Mag-ate pala yung dalawang yun.. Sabagay, pareho naman sila ng ugali eh.. Buntis nga pala si Cheska.. may nangyari daw kasi sa kanila ni Kenneth nung gabing nawala ako.. Nagkita kami 3 months ago at yun, ipinamukha lang naman nya sa akin na nabawi na raw nilang magkapatid ang para sa kanila.. kaya heto, tahimik na ang buhay ko.. Tahimik pero may kulang..

“HOY!”

“Ay kalabaw ka!”

“ang ganda at ang sexy ko namang kalabaw kung ganun” sabi ni Eit habang nakanguso

“eh bakit ka ba kasi nanggugulat??”

“eh kasi po kanina pa kita tinitignan at alam mo bang para kang sira na nakatulala sa kawalan?? Hay naku Euni, move on na.. Its about time na magkalove life ka na ulit.. Ang daming papables dyan oh! Halika, samahan kitang maghanap.. hahaha!”

I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon