I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. [C48 part 1] THE DECISION

3K 50 12
                                    

Chapter 48: DECISION NINO???

***DYLAN'S POV***

Isang linggo na ang nakakalipas.. Dito na ako nakatira sa mga Manjares.. Miss ko na nga si Aya.. Pero di ko magawang pumunta sa kanila gawa ni Atheng.. Miss na miss ko na rin nga ang isang yun,, Andaming naging pagbabago sa kanya.. And i think it's for the best..

Ngayon, hawak-hawak ko yung cap na kinompiscate ko kay Atheng,, Ito ang naging dahilan ng pagkikita at paghaharap naming dalawa..

Kapag naaalala ko yung una naming pagkikita, di ko mapigilan ang hindi mapangiti.. Because she is such an amazing girl..

Hindi ko akalaing mamahalin nya ako kasi ako sa simula pa lang, gusto ko na syang alagaan....

HABAMBUHAY..

At ngayon, nakapagdesisyon na ako.. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko, kahit masaktan pa ako..

***BRENT'S POV***

Sa loob ng isang linggo, maraming nangyari.. Ipinakilala ni daddy si Dylan na anak nya..

alam ko sasabihin nyo na selfish ako kapag sinabi ko na hindi ako masyadong masaya sa nangyayari,, Mahirap kasing tanggapin agad na kapatid ko ang karibal ko.. Natutuwa man ako na mas masaya na si daddy ngayon.. Pero pareho kami ni Dylan na nahihirapang mag-adjust lalo na at alam naming iisang babae lang ang mahal namin..

Takot akong aminin sa sarili ko na baka sa huli ako na naman ang magparaya kasi nga kapatid ko sya..

Sya ang lalaking kahati ko sa lahat..

Pero ang mahalaga, kasama na namin si Bryan..

Siguro panahon na para naman ipaglaban ko sya.. Kasi dati, nagparaya ako pero nasaktan din sya.. At ayoko ng mangyari pa ulit yun.. Masyado ng maraming heartaches si Athena, at ayoko ng masaktan pa sya..

*knock knock*

"come in.."

pumasok na sya sa kwarto ko.. di ko alam kung anong pakay nya pero makikinig ako..

"Bre- este K-kuya Brent.. pwede bang mag-usap tayo?" ang totoo, nagulat ako na gusto nyang mag-usap kami kasi isang linggo na kaming nag-iiwasan..

"ah..s-sure" sabi ko.. tae, naiilang ako..

"It's about Atheng" panimula nya.. sabi ko na, tungkol kay Athena ang ipinunta nya..

"What about her?"

"I still love her.. and i'm going to take her away from you, kuya.." deretsahan nyang sabi sa akin

"tss, tinawag mo pa akong kuya kung mang-aagaw ka rin naman pala.." sabi ko..

"Mahal na mahal ko sya.."

"Pero iniwan mo.."

"di ko ginusto yun!!"

"kahit na, di sana gumawa ka ng paraan!!"

"paano ako gagawa ng paraan kung ang sinasabi sa akin ng daddy nya eh kapatid natin sya?? Ikaw, kaya mo bang mahalin pa sya kung ang alam mong eh kapatid mo sya?? Ginawa ko ang lahat para kalimutan sya pero hindi magawa-gawa yun ng puso ko.. I love her so much... At ngayong alam na nating lahat ang buong katotohanan, I will fight for her kahit na girlfriend mo na sya.. I'm sorry kuya, pero kukunin ko ang girlfriend.. Masyado ko syang mahal kaya ko nasasabi ang lahat ng 'to.."

"eh g*go ka pala eh.. Sino bang may sabing girlfriend ko sya???" sabi ko kay dylan.. Bigla ba namang nanlaki ang mata.. TSS

"hindi mo sya girlfriend?? Bakit gf at bf ang tawagan nyo??"

I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon