Chapter 2

124K 1.5K 181
                                    

All About Me


Therese's POV

Sadyang kakaiba talaga ang nangyare sa amin ngayon, tila para paring panaginip yung mga pagbabago sa buhay namin.

Napagtanto ko na ambait talaga ng Diyos sa amin, na ang buhay ay puno ng sorpresa, na sa bukas makalawa di mo alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa iyo .

DI MO MALALAMAN ANG MANGYAYARI SAYO PAG GISING MO. NA GAYA KO KAHAPON, ISANG MAHIRAP PERO NGAYON EVERYTHING IN MY LIFE HAD CHANGED.

KAYA KAYO DIYAN MAGHINTAY LANG KAYO "BECAUSE GOD HAD PREPARED ALSO SOMETHING SPECIAL FOR YOU"

Magpapakilala na pala ako, ako si Therese Ignacio Prietto, labinganim na taong gulang ako at nag-iisang anak ni Marta at Berto Prietto

At gaya ng ibang bida, ilalarawan ko sa inyo kung ano bang meron ako, well yung meron ako eh yung pamilya ko, na sobrang importante sa akin, na kahit anong ipalit nila at hindi ko matatanggap kasi sobrang precious ng pamilya ko sa akin, maraming nagsasabi na matalino daw ako, pero di ko din alam, hahahahaha

di sa pagmamayabang pero mula kinder hanggang 3nd year ako, ako parati ang 1st honor sa klase pero maniwala kayo at sa hindi IGNORANTE AKO, sa kadahilanang namulat ako sa lugar na malayo sa kabihasnan at di talaga ako nabigyan ng pagkakataong masulyap kung ano mang mundo meron sa syudad, lalo na sa mga teknolohiya, walang wala ako, masisi nyo ba ako kung puro hayop at halaman lang naman yung nakakasalamuha ko sa buong buhay ko?

Kaya nga lubos yung kaba ko nung sinabi ni itay na sa Maynila na kami titira, unang tanong ko ay, makakaya ko ba? Ewan ko, susubukan ko, at sana maging maayos lang ang lahat sa akin, sana nga sanag nga Lord

Gabayan nyo po ako sa aking paglalakbay sa bagong mundo ko ^___^

end of chapter

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon