MGFFH -8: Living with the Two Guardians.

7.3K 246 13
                                    

MGFFH –8: Living with the Two Guardians.

//Astarotte Serafica’s Point of View//

Grabe.

Yan lang ang masasabi ko ngayon. Biruin mo ba naman? Yung dalawang guardian mo –angel & devil ay kasama mo sa iisang hapagkainan? Kamusta naman ‘yun?

Hindi ko alam kung paano nakabalik si Cifer at kung bakit hindi sila nag-aaway pero mukha silang nagpapatayan sa tingin. Bakit kasi nandito silang dalawa?

“Bakit ba nandito kayong dalawa?” Tanong ko.

“Malamang binabantayan ka.” Sagot ni Cifer habang nakaupo at nakapatong ang dalawang paa sa table.

“Hindi naman kita pwedeng pabayaan sa kanya.” Sagot naman ni Gelle tapos ngumiti siya. 

Sabi ni Gelle, pinabalik niya raw si Cifer pero ayaw niyang sabihin ang dahilan. Kaya naguguluhan talaga ako! Pramis! Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa? 

“Tubig oh.” Sabay abot sa akin ni Gelle ng baso na may lamang tubig.

“Salamat.” Tapos nginitian ko siya.

“Isang araw lang akong nawala, bumait ka na?” Gulat na gulat na tanong ni Cifer.

“Mabait ako sa lahat ng mabait sa akin.” Sabay irap ko sa kanya.

“Talaga? Psh. Asa! Hindi ka ganyan Star –I mean Astarotte!”

“Yeah whatever Cifer.”

Si Gelle nakatingin pa rin sa akin habang nakangiti. Ang cute niya naman. Si Cifer naman naka-close fist pa rin habang matalim na nakatingin kay Gelle. Tsk tsk… bad Cifer!

Iniwan ko muna sila sa kitchen at pumunta ako sa kwarto ko at naghanda para sa pagpasok ko sa boring kong school. Pagkatapos kong maghanda ay bumaba ako kaagad. Baka kasi nagpatayan na ‘yung dalawa eh. Mahirap na.

Pagkababa ko, kung ano ‘yung posisyon nila nung iniwan ko sila ganun pa rin nung nadatnan ko sila ngayon. Ayos ah!

So sumakay na kami sa limousine at pumunta ng school. 

Tsk tsk. May dalawa akong boylet na kasamang papasok sa school –great!

Pagkalabas ko ng limousine eh agad na hinawakan ni Gelle ‘yung kamay ko tapos ganun din ginawa ni Cifer.

My Guardian is Fresh From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon