MGFFH -3.1: Only Learned Bad Things. [part 1]

9.8K 354 18
                                    

MGFFH –3.1: Only Learned Bad Things. [part 1]

//Astarotte Serafica’s Point of View//

UWAAAAAAAAA~” Sigaw ko pa rin dito sa banyo. Wala kasi akong tuwalyang nadala rito. Ang tanga ko lungs? Tangna naman kasi eh! Alangan naman na lumabas ako eh nandun ‘yung Guardian Devil ko ‘raw’. Paano ‘pag nakita niya?

Ay shet! Ano nga pala ‘yung sinabi niya kanina? Kung nasaan ako... nandun din siya?! Ibig sabihin? Kapag nasa banyo ako? 

NANDUN DIN SIYA?! 

Watdapak! Devil nga talaga! Hutanghena >___________<

May biglang kumatok sa pinto ng banyo ko, “Ma’am Astarotte! Okay lang po ba kayo dyan?” Tanong sa akin ni Manang, yung yaya ko. 

Ah, okay lang naman ako. Pero yaya~! Wala akong tuwalya rito!” Sabi ko sa kanya habang pinipihit ang shower ko para isara. “Yaya~! BILIS!!” Sigaw ko sa kanya.

Ah yes Ma’am! Nandyan na!” Tapos narinig ko ‘yung kalabog ng mga paa niya at pagbukas ng aparador ko. “Ah Ma’am, ito na ‘yung tuwalya niyo.” Sabi niya.

Inilabas ko ‘yung kaliwang kamay ko upang abutin ‘yung tuwalya, “Sige na! Chupi!” Pagtataboy ko sa kanya.

Wala man lang thank you...” Narinig kong bulong niya. Aba?! Demanding?! Di pa ba sapat ‘yung sweldo niya bilang thank you?! Tangna!

Napataas ang kilay ko, “May sinasabi ka?” Tanong ko sa kanya habang nagpupunas ako ng buhok ko rito sa banyo.

Wala po! Sige po, aasikasuhin ko na ‘yung niluluto ko sa baba.” Tapos narinig ko na lang ‘yung pinto ko dahil sa lakas ng pagkakasara.

Aba! May balak pa atang manira ng pinto ang gaga?! Mas mahal pa kaya ‘yun kesa sa sine-sweldo niya! Pagbaba ko, tatanggalin ko na ‘yun sa trabaho. Tangna lang! Makikita niya!

Ang tagal mong maligo, alam mo ‘yun?” Nagulat ako dahil bigla ko na lang nakita sa harapan ko si Cifer. Shet naman ‘to!! Manyak!

Bigla ko na lang tinakpan ng tuwalya ‘yung katawan ko, “SHIT! MANYAK KA! LUMABAS KA NGA RITO!” Sigaw ko sa kanya tapos pinalo-palo ko siya.

Huh? Nakita ko na ‘yan lahat, tanga!” Tapos pinitik niya ‘yung noo ko, “Guardian Devil nga ‘di ba? Kailan pa nalipat ang utak mo sa talampakan mo?” Mapang-asar na tanong niya.

My Guardian is Fresh From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon