MGFFH -6: I can't say.

7.5K 277 11
                                    

MGFFH -6: I can’t say.

//Astarotte Serafica’s Point of View//

Problema ni Cifer? Parang kahapon lang iniwan niya ako sa mall tapos ngayon may pahawak-hawak pa siya ng kamay na nalalaman? Ano ‘to kami na? Puta, di pa nga nanliligaw eh! Pero bakit nga ang sweet ni Cifer ngayon? May sakit ba siya? Naka-drugs? Marijuana? 

“Bakit ba dikit ka ng dikit ha?!” Naiirita kong tanong sa kanya sabay alis ng braso niya na nakaakbay sa akin. 

“Wala. Feel ko lang, ayaw mo ‘yun? Di ka ba kinikilig?” Sabay kindat niya sa akin.

Putek! Kaya nga ako naiinis kasi kinikilig ako! Uwaaaaaaaa! Ano ba kase! Kaya ako nagsusungit kasi ayokong mangiti sa kanya! Ayokong mahalata niyang malapit na akong bumigay sa charms niya! –Ay oo nga pala, bumigay na ako, ‘di ko lang pinapahalata xD

Lintek ka Cifer! Pag ako napangiti ng wala sa oras dito kakalbuhin kita!

“Aba! Bakit naman ako kikiligin sa’yo?” Tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay ko.

Humarap siya sa akin at yumuko ng unti para lumevel sa height ko, “Because you’re lusting over my body, missy. I know you want me.” Tapos kumindat pa siya! Langya Cifer! Ang sexy mo! Hot!!

“Damn it! Shut up and stay away from me, will you?” Tapos inirapan ko siya.

Sumipol siya, “Guilty kasee~~” Pakanta niyang sabi.

“May sinasabi ka?” Pagtataray ko sa kanya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, “Narinig mo naman ‘di ba? Baka naman... gusto mong ulitin ko pa?” Mas inilapit niya ulit ‘yung mukha niya, mga 2 inches? Sht! “O baka, gusto mong halikan na lang kita para mas maintindihan mo?” Then he smirked. Isang gabi lang siyang nawala pero namiss ko agad ‘yang smirk niya.

Tell me, am I in love with my Guardian Devil?

He laughed his ass out, “HAHAHAHAHAHA!!” Sabay hawak pa niya sa tyan niya. “You’re blushing Astarotte! Hahahaha! Ganyan pala ang epekto ko sa’yo?” Tapos kunwari inayos niya ‘yung kwelyo niya.

Inirapan ko lang siya. Oh well, kung hindi ka lang gwapo eh! Gago talaga ‘to. 

//Cifer Capulet’s Point of View//

I can’t help myself not to stare at her. Ano ba ‘yan! Ang ganda-ganda niya! At kahit anong gawin niyo  sa akin, never akong magsasawang sabihing maganda siya! Kasi maganda naman talaga si Star!

Too bad... I can’t say what I feel for her. 

I can’t say that I love her.

Hindi ko na pwedeng ulitin ‘yung ginawa ko noon sa ilalim ng malaking puno. Yung binasted pa niya ako? Hindi ko ako pwedeng mag-confess. Why? Because of that recruitment bullsht.

Hindi ba talaga kami pwedeng magkaroon ng happy ending? Aish!

“Tulala ka dyan? Anyare sa’yo?” Tanong ni Star sa akin.

Niyaya ko siya sa beach. Ewan, na-miss kong pumunta rito. Yung mga magulang ko kasi, palaging pumupunta sa mga beach nung bata ako. We used to go here and play, to have fun. We used to be a happy family. Pero bigla na lang nila akong iniwan. Sabi nila, they’re not good for each other, kaya naghiwalay sila. Damn them! Iniwan lang nila ako =_____=

“Uyy Cifer! Pucha naman oh! Kanina pa ako dada ng dada tapos wala kang sinasabi? Nalunok mo ba ang dila mo?” Si Star ‘yan. Ang ganda niya talaga lalo na kapag nagtataray.

Lumingon ako sa kanya at nabuo ang isang malokong idea sa isip ko, “Nalunok? Of course not. Gusto mong matikman? French kiss, you want?” Then I smirked.

My Guardian is Fresh From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon