Chapter 7

15.9K 252 48
                                    

Isang gabi, seryoso sa panonood ng paboritong teleserye ang magkapatid na si Chloe at Jane. Habang si Angelica at ang panganay na si Ara naman ay nasa kwarto ng kasambahay na si Lea at nakikipagkulitan. Tapos na kasi ang mga gawaing bahay sa gabing iyon kung kaya't malayang nakikipagkulitan na ito sa dalawang magkapatid. Ganito lang sila tuwing gabi, habang hinihintay ang pagdating ng kanilang mga magulang.

Nakahanda na din ang hapag kainan na naghihintay na lamang sa pagdating ng mama at papa nila. Kasama ng kanilang mga magulang si Sheena na sinasanay nila sa pagnenegosyo. Sa bilog at babasaging mesa nakaayos ang plato, kubyertos at mga baso. Pinasya naman ni Lea na ihain ang hapunan kapag dumating na ang kaniyang mga amo upang hindi ito lumamig. Mga ilang minuto lang siguro ang itatagal ng kaniyang amo at darating na rin sila. Dalawangpung minuto na kasi ang nakakaraan ng tumawag ito sa kanila at sinabing pauwi na.


Malapit nang matapos ang pinapanood na teleserye ng dalawang bata. Isang advertise nalang at matatapos na rin ito. Bumaling ng bahagya si Chloe sa kaliwa at iniikot nito ang kanyang paningin sa paligid ng sala upang kumpirmahin kung sino pa ang kanyang kasama.

"Ate, asan sila Angelica?" tanong ni Chloe na noon lamang napuna na dalawa nalang sila ni Jane na magkasama sa sala.

"Andun sa kwarto ni ate Lea, tara dun nalang tayo?", yaya nito sa kapatid.

.

.

.

.

.

.

Nagustuhan niyo ba ang kwentong ito? Para mabasa ang mga nakakakilabot na pangyayari sa kanilang pamilya, please use this link:

https://www.dreame.com/chapter/251529.html

Maari niyo rin gawin ang mga sumusunod:

1. I-download and Dreame app.

2. Hanapin ang aklat na House #38

TANDAAN: Kailangan niyong matapos ang pagbabasa ng kwentong ito. Dahil............

.

.

.

.

.

.

naghihintay sila. 

House #38 - Completed (Published)Where stories live. Discover now