Prologue

56.6K 568 196
                                    

"Ang mga paranormal experiences sa kwentong inyong mababasa ay batay sa mga totoong pangyayari. Mag-iingat ka sa pagbabasa. Siguraduhin mong may kasama ka. Kung hindi, baka masundan ka nila."

.

.

.

.

.

"Ate, diyan na ba talaga tayo lilipat?" tanong ng batang si Chloe sa kanyang mga ate habang tinuturo ang bakanteng bahay sa tapat lang ng kanilang inuupahang bahay.

"Oo daw, sabi nila papa eeh", maikling sagot sa kanya ng ate niyang si Sheena habang inaayos ang kanilang mga laruan.

NPA o "No Permanent Address" kasi ang status ng kanilang pamilya dahil wala silang sariling bahay. Sa negosyo kasi binuhos ng kanilang ama ang perang namana nito sa kaniyang yumaong ama. Kaya heto, patalon talon sila ng inuupahang bahay. Pagkatapos ng isang kontrata sa nirerentahang bahay, kailangan nanaman nilang humanap ng malilipatan. Noong nakaraang taon nga, sa kabilang kalye lang ng subdivision na iyon sila nakatira. Hanggang sa lumipat sila sa kasalukuyang bahay.

Matapos ang kontrata, eto nanaman at lilipat ulit sila. Weirdo kung iisipin dahil sa tapat lang naman sila lilipat. Kung tutuusin, bakit nga ba kailangan pa nila lumipat? Hindi ba pwedeng pumirma nalang sila ng isa pang kontrata? Eto ang hindi rin alam ng magkakapatid. Gaya ng ibang mga bata, kailangan lang nilang sumunod sa kung anong desisyon ng kanilang mga magulang.

Pero, ano kaya ang naghihintay sa kanila sa bahay na kanilang lilipatan? Bakit nga ba ito palaging nakasara na tila ba pinabayaan pa ng may-ari?

Ano nga ba ang matutuklasan nila sa House #38?

Note: Taong 1998 - 2000 naganap ang mga pangyayari sa kwento na to.

House #38 - Completed (Published)Where stories live. Discover now