Chapter 3

18K 295 19
                                    

"Wow! May puno pala dito oh, tignan mo.", sabi ni Chloe sa kanyang kapatid na si Jane.

Habang hindi pa sila tuluyang nakakalipat sa bahay, binibisita nila ito. Kadalasan, pinapatulong si Jane at Chloe sa paunti-unting paglilinis ng bahay. Hapon na iyon nang magwalis ang magkapatid sa bakuran. Dahil nga sa matagal  itong bakante, madaming nawalis ang magkapatid. Dun nila napansin ang puno malapit sa gate, puno ng atis.

"Oo nga no. Puno yata yan ng atis eeh", sagot ni Jane. 

"Atis? Masarap ba yun? Kuha kaya tayo?", sambit ni Chloe

"Wag muna, tsaka na, pag dito na talaga tayo nakatira.", balik na tugon ni Jane.

"Ay tignan mo to ate oh, Krus to diba?", pagpapatuloy ni Chloe ng mapansin ang Krus na nakamarka sa puno. Hawak niya padin ang tingting at dustpan habang pinapakita sa kapatid ang marka.

Palibhasa'y hindi katoliko ang kanilang pamilya kaya agad na pumasok sa isip nila na isang debotong katoliko ang may-ari ng bahay.

"Oo nga no," sagot ni Jane sa kapatid.

"Nakita ko din yang marka na yan kanina aah, dun sa likod at dito oh", sabay turo ni Jane sa kongkretong pader ng garahe malapit sa gate ng bahay.

"Katoliko nga siguro may-ari nito. Buti nalang green na pintura. Kung pula, naku aakalain kong dugo yan!.", sabi naman ni Chloe.

"Parang sa horror lang no? Pero bakit naman ang dami? Baka may nakalibing sa puno na yan!",  pananakot ni Jane.

"Ate naman eh! Sabi mo nga madami diba? Ibig sabihin may nakalibing din dyan sa pader. At sa likod ng bahay? Ang dami naman!", takot na sabi ni Chloe.

Natawa si Jane pero may konti siyang pangamba. Hindi niya kasi lubos na maipaliwanag ang mga krus na nakamarka sa labas at palibot ng bahay. Halos bawat pader sa harap at likod ng bahay at maging sa puno, nakamarka ang krus na ginamitan ng green na pintura. Ang alam niya kasi, ginagamit iyon ng mga katoliko sa kanilang mga bahay. Pero hindi sa ganitong klaseng pagmamarka. 

Dalawa lang kasi ang alam ng mga bata. Ang krus ay para bantayan ang bahay. Para magkaroon ng patuloy na blessings ang bahay. At ang isa pa, ang krus ay panlaban sa masasamang elemento gaya ng mga kapre, maligno, dwende at kaluluwang ligaw

Nagmamadaling tinapos ng magkapatid ang gawain sa bahay na yun. Pareho silang takot kaya hindi sila nagpaabot ng dilim. Dali-dali nilang tinipon ang mga basura at iniwan ito malapit sa puno. Nagtatakbo ang mga bata sa  kanilang bahay at kwinento ang mga nakita. 

Dahil nga sa relihiyon ng kanilang pamilya, hindi pinagtuunan ng pansin ang kanilang mga kwento. Inisip ng mga magulang nila na dala ito ng madalas nilang panonood ng horror movies.

Pero maraming magbabago sa tuluyang paglipat nila sa bakanteng bahay. 

House #38 - Completed (Published)Where stories live. Discover now