Chapter 7: At the edge.

8 0 0
                                    

Hi best! Good morning!, bati ni Myra nang makasalubong nya sa classroom si Marco.

Morning.

Oh bakit ang ikli ng sagot mo? Tsaka bakit walang good?

Hindi pinansin ni Marco ang tanong ni Myra at tuluyan na itong tumalikod papunta sa quadrangle para sa flag ceremony.

Hmm. Ano kayang problema ng lalaking yun? Menopausal stage ba?

Natapos ang flag ceremony, nagumpisa ang klase at sinundan pa ng isa hanggang sa sumapit ang recess...

Tumabi si Myra sa upuan ni Marco.

Marco! Galit ka ba sa akin? May nagawa ba ako?

Hindi umiimik si Marco.

Best naman, please kausapin mo naman ako oh. Hindi ko alam kung anong naga---

Ano bang nagustuhan mo sa kanya?! Mataas ang tono ng boses ni Marco.

H-ha?? Sinong--

Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hihintayin mo pa bang makita ko kayong magkasamang sweet na sweet tapos ano, wala lang yun?!

Hindi makasagot si Myra. Hindi nya malaman kung matutuwa ba sya na naaapektuhan si Marco sa kanila ni Anthony o hihingi siya ng sorry at aamin na pinayagan lang nyang manligaw si Anthony para umamin si Marco na may gusto ito sa kanya.

Marco..

Akala ko magkaibigan tayo. Ang magkaibigan hindi nagtataguan ng sikreto. Magbestfriend tayo, diba?!

Padabog na iniwan ni Marco si Myra at lumabas ito ng classroom.

|Myra's POV|

Narinig ko na naman yung salitang magkaibigan mula sa kanya. Bumigat ang pakiramdam ko nung sinabi nya yun. Pero ayaw kong magpahalata na nasaktan ako. Tinibayan ko ang loob ko na wag mabuo ang luha sa mga mata ko habang kaharap ko siya.

Bakit ba kailangan pa nyang ihampas sa pagmumukha ko na magkaibigan LANG kami?

Oo na, tanggap ko na. MAGKAIBIGAN LANG TAYO. MASAYA KA NA?!!! Wag mo nang ulitin pa please. Durog na yung puso ko oh, kita mo ba? <//3 T_______T

|Marco's POV|

Sh*t! Ang torpe ko talaga! Bakit hindi ko pa inamin sa kanya na mahal ko sya? Pero para saan pa, kung alam at alam ko na rin naman ang kahahantungan nito. Hindi ko man lang siya nakitang naapektuhan sa sinabi kong magkaibigan lang kami. 

Manhid siya.

Ang sakit.

*

Okay class, you may leave for lunch now. Goodbye!

Isa-isa nang nagalisan ang mga kaklase ko para maglunch. Kung yayayain man nila ako kumain sa labas ay paminsan-minsan lang dahil alam nila na magkasama kami lagi ni Marco na kumain.

Pero ngayon hindi ko alam kung saan ako lulugar. 

Sasama ba ako sa kanila o hihintayin kong lapitan ako ni Marco para kumain?

Paano kung ayaw nya akong kasabay?

Wala na naman akong kasamang magla-lunch. T.T

Tara?

Boses ni Anthony na mula sa likod ko ang gumulat sa akin.

Haharap na ako sa kanya nang mahuli ko ang tingin ni Marco sa aming dalawa.

Ah, Anthony, si Marco kasi ang kasama kong maglulunch.

Marco please say yes. Please do!

Eh di kung gusto mo, tayong tatlo na lang.

Marco!? Gulat kong tanong.

Sure! Why not? Tuwang tuwang sagot ni Anthony.

Sabay kaming tatlo na pumunta sa canteen. Walang imik sa aming tatlo. Pagbaba namin ng room...

Patay, umaambon.

Nasa bag ko yung payong ko. Kukunin ko muna. Hintayin nyo ako ha.

Hindi na sumagot ang dalawa at dali-dali akong umakyat. Muntik pa akong matapilok. Whew.

Gusto mo siya, no.

Ikaw ang gusto niya.

Hindi ko sinasadyang---

Okay lang bro. 

Okay lang bro.

Anong ibig sabihin nung narinig ko kay Marco? Anong pinaguusapan nila? Sayang di ko narinig.

Eto na, tara na. Lumakas na yung ulan oh! Sumukob kaming tatlo sa payong.

Naramdaman kong umaalalay sa likod ko ang kaliwang braso ni Marco na nasa kanan ko at hinawakan naman ni Anthony ang hawakan ng payong. Nagulat ako nang ipatong nya ang malambot nyang palad sa mga kamay ko. 

Naramdaman kong humigpit ang hawak ko sa payong,

at bumitaw agad si Anthony.

Sorry.

Wala yun, Anthony.

Nakarating kami sa canteen at dali-daling umupo sa isang bakanteng mesa.

Umupo si Marco sa harapan ko at si Anthony naman sa kanan ko.

May baon kaming dalawa ni Marco kaya hinintay na lang namin si Anthony na pumila at bumili ng lunch.

Habang naghihintay ay wala kaming imik.

Dead air.

Maiingay na tao sa paligid.

Walang gumagalaw sa amin.

Nagpapakiramdaman.

I'm sorry..

No, I'm sorry, Marco. I didn't mean to--

I understand. Let's not talk about it.

Kumain kami ng tahimik dahil gutom na rin kami. May pag-uusap din about our previous topics sa Literature at konting jokes regarding our teacher. Somehow hindi na rin masyadong awkward.

Pagkatapos nun ay bumalik na kami ng classroom dahil may important announcement daw and Level 4 coordinator.

Good afternoon ladies and gents, as your coordinator, I would like to require the ladies to please bring their high heels tomorrow for the prom rehearsals.

Prom rehearsals! 

If you will start counting off the days, the prom would be less than two weeks. And I want each and everyone of you to practice a dance for all to be presented during the event. Are we clear?

Please do make a plan now. I am giving you enough time to prepare. And ff you have no more questions, I may leave now. Thank you class.

Nagumpisa nang magusap usap ang mga girls at sobrang excited na sila. After a couple of minutes, nagsalita ang class president.

I have talked with the class officers, and as suggested, we will do Sway dancing. Any objections?

Walang sumagot.

Good. I am requiring you to choose one partner. We will start practicing tomorrow. Girls don't forget your heels.

Patay. Sinong partner ko? Eh parehong kaliwa ang paa ko. Waaah T.T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Borrowed TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon