Chapter 5: Long talks

19 0 0
                                    

Nagpunta sa bahay nina Myra ang isang fashion designer dala ang kanyang mga bagong tahing gowns at mga designs pa na nakaprint para pagpilian ni Myra kung wala siyang nagustuhan sa mga dala nito.

Sinamahan siya ni Marco dahil kinukulit din ito ni Myra na tulungan siyang pumili.

Matagal na sana nilang nagawa ito pero dahil busy palagi si Marco ay nare-reschedule ito. Ngayong araw ng Sabado lang siya nagkaroon ng time.

Dinadahilan ni Marco na busy sa negosyo ang Papa niya at sinasanay na siyang humawak nang negosyo, para kung sakaling may papalit dito ay si Marco yun. Pero ang totoo ay kinakailangan niyang magbantay sa ospital.

* Flashback *

Isang gabi sa ospital...

Anak, bakit hindi mo na lang aminin kay Myra na maysakit ang Mama mo? At nang hindi ka na nahihirapang magisip ng mga palusot kapag nag-uusap kayo.

Papa, alam nyo namang hindi pwede. Sanay si Myra na pinakikinggan ko siya sa mga problema niya. Sanay siyang umiiyak sa balikat ko. Nalulungkot siya kapag may naririnig siyang masamang balita. Lalo na kapag mahalaga sa kanya ang isang tao, apektado ito. Mas lalo akong nalulungkot kapag malungkot siya. At ayaw kong mangyari yun.

Alam nyo namang si Mama ang lakas at kahinaan ko.

* End of flashback *

Marco, bagay ba sa akin itong blue fitted gown?

Umiling iling si Marco

Eh ito, emerald na may ruffles sa baba at off back?

 Umiling ulit si Marco

Nagsukat ulit si Myra hanggang sa mapagod ito ay wala pa ring nagustuhan si Marco.

Ano ba namang lalaking to. Sa lahat ng sinukat ko walang bagay? Ganun ba ako kapangit T____T

Ano bang bagay sa akin? naiiyak na tanong ni Myra

Napangiti si Marco at lumapit sa kaibigan at binulong dito...

bagay sa 'yo lahat

Eh bakit ka umiiling?! tsaka bakit ayaw mong sabihin na bagay pala sa akin? Nakakainis ka! T_T

Hahaha! Gusto ko lang kasi makita kung bagay ba sayo lahat ng damit na dinala dito sa bahay niyo. Napatunayan kong bagay nga lahat sa yo. ^____^

Ano?! Yun lang? 

Nakakainis to ah. Kung hindi ko langbestfriend tong lalakeng to, ay ewan ko na lang.

Sa huli ay sinabi na lang ni Myra ang gusto nitong gown sa nagtatahi dahil sa sobrang daming naisukat niya ay wala siyang natandaan ni isang design. 

Kaya pinagsama sama na lang niya ang imaheng nabuo sa isip niya.

*

Text message from: Best Marco

| Myra, labas ka ng bahay niyo ngayon na. May pupuntahan tayo. | Received: 10:35pm

Reply Sender

| Saan tayo pupunta? | Sent: 10:36pm

Hindi na nagreply si Marco kaya dali daling nagpalit ng damit si Myra at lumabas.

This time may suot na siyang jacket.

Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah.

Tara may pupuntahan tayo.

Hinawakan ni Marco ang kamay ni Myra habang naglalakad sila papuntang kung saan.

Borrowed TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon