Chapter 1: Fear

39 0 0
                                    

Mama, kaya mo yan. Wag kang susuko, Mama. Kailangan ka namin ni Papa. Please lumaban ka, Mama!

Hindi pa ako kumakain pero hindi pa rin ako napapagod sa pagbabantay kay Mama dito sa ospital. Umuwi sandali si Papa para kumuha ng ilang gamit namin. Hindi ako pumasok sa eskwela ngayong araw kahit na Lunes pa naman dahil saktong kakatapos lang ng exam at wala naman masyadong gagawin kung hindi magcheck ng test papers.

Wala na akong pakialam sa mga bagay bagay ngayon basta ang gusto ko lang ay lumakas si Mama. 

Ano kayang nangyari kay Marco?

Text message from: Best Myra

| Marco nasaan ka? Bakit ka absent? | Received: 07:45am

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Myra. Ayaw ko siyang mag-alala.

Reply Sender

| Myra masakit lang ang ulo ko. Papasok ako agad kapag gumaling na ako | Sent: 07:50am

Hindi naman basta-basta nagkakasakit si Marco. Tsaka kahit may sakit siya pumapasok naman siya ah. Mapuntahan nga siya sa bahay nila mamayang uwian. Magdadala na rin ako ng mga prutas para mabilis syang gumaling.

Dumating ang Papa ni Marco sa ospital at naabutang tulog si Marco at kanyang Ina. Hinimas himas nya ang buhok ng asawa habang sinasabing

"Ma, paano na ang anak natin kapag nawala ka? Nalulugi na ang negosyo natin at hindi ko kakayaning lahat ng problema na ito. Kailangan kita, Ma. Kailangan ka namin. Please wag kang mawawala."

Sabay halik sa noo nito at sa noo ni Marco.

Nagising si Marco sa tulo ng luha ng kanyang Ama na pumatak sa pisngi nya.

"Anak, umuwi ka muna at magpahinga. Para handa ka sa pagpasok mo bukas. Ako na muna ang bahala sa Mama mo."

Hindi naman na umimik si Marco siguro ay dala na rin ng pagod at saka sya lumabas ng ospital. Halatang matamlay siya at namumutla na sumakay ng jeep. Hindi na nya ginamit ang kotse dahil wala itong lakas na magmaneho at wala pa itong tulog simula kagabi nang itakbo ang Mama niya sa ospital.

Dahil hindi naman masyadong malayo ang ospital sa kanilang bahay ay nakarating ito agad. Habang naglalakad siya papasok ng bahay ay naaalala niya ang mga bagay na ginagawa niya kasama ang kanyang Ina noong ito ay malakas pa. 

"Anak, gusto ko kapag manliligaw ka sasabihin mo muna sa akin ha."

"Mama naman, bata pa po ako! Hindi ko pa alam ang tungkol sa mga bagay na yan. Tsaka hindi ko kayo ipagpapalit no"

"Para malaman mo kung ang babaeng mahal mo ay para sa 'yo kapag masaya ka sa piling niya. Isasakripisyo mo ang lahat para sa kanya. Mamahalin mo sya ng buong buo, walang pag-aalinlangan at tapat. At higit sa lahat, kaya ka niyang hintayin at kaya mo siyang hintayin."

Hindi ko alam kung bakit si Myra agad ang pumasok sa isip ko ng mga sandaling iyon. Alam ko na siya ang kailangan ko sa oras na ganito ang nararamdaman ko.

Nanghihina ang loob ko. Kahit na alam ko kung sino ang dapat kong puntahan at kausapin sa pagkakataong ito, wala akong lakas.

Unti-unti akong nauupos tuwing naiisip kong malaki ang posibilidad na mawala ang Mama ko.....

dahil sa Cancer.

*DING DONG!* *DING DONG!*

Sino kaya ang bibisita sa ganitong oras? Ayaw kong makipag-usap sa kahit na kanino dahil gusto ko nang magpahinga. 

"MARCO! MARCO! ANDIYAN KA BA? MARCO!"

Si Myra yun ah.

"ANDIYAN NA!"

Marco! Anong nangyari sayo? Kamusta na ang pakiramdam mo? Galing ka ba sa labas? Bakit ka nakabihis? Nasaan sina Tito at Tita? Bakit ang dilim ng bahay niyo?

Pwede isa-isa lang? Gwapo ang kalaban.

Hahaha. Ikaw talaga Best! Ito nagdala ako ng mga prutas at may konting gamot diyan. Para gumaling ka na agad. 

Salamat.

Marco bakit parang walang tao sa bahay niyo?

Ah, k-kasi may business meeting sina Papa at Mama. Day-off ng kasama namin sa bahay

Hindi ko masabi kay Myra na palugi na ang negosyo namin kung kaya't wala na kaming mga kasambahay dahil ang ipon ng pamilya namin ay nauuwi sa gamot ni Mama.

Patawad, Myra kung ayaw ko lang na mag-alala ka.

Borrowed TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon