A Sad Fate...

23.9K 343 69
                                    

Ms_Cherry, eto na yung update (*^﹏^*). Dedicated ito sayo. Absent ako sa work dahil sa bagyo :'(. Ingat kayong lahat. Enjoy reading!!!

Let the story of Jocelyn begin •﹏•

Bwisit na buhay 'to! Nambabae pa ang walanghiya! Hindi na naawa! 

Samang-sama ang loob ko nang malaman kong umalis na ng tuluyan mula sa bahay si mama. Awang-awa ako kay Jacklord, bunso kong kapatid. Pitong taon lamang ito at kailangan pa nito ng kalinga ni mama.

Sabay kami halos dumating ng bahay mula sa eskwelahan. Si ate mamaya pang gabi uuwi dahil ala-sais pa ng gabi ang tapos ng klase nito. Graduate na ito sa All Girls school. Pinili nitong sa unibersidad sa maynila mag-college.

Si lola ang nadatnan namin sa bahay. "Merong hopia dyan sa lamesa. Yun na lang muna ang kainin nyong magkapatid. Hintayin natin ang ate nyo para sabay sabay tayong maghapunan. May lata pa ng Luncheon meat dyan" pagpapatuloy nito.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Gusto kong umiyak ng malakas pero mas nangingibabaw ang galit ko. Mahina si mama. Hindi ako kailanman tutulad sa kanya. Puno rin ang galit ko kay papa. Hayup na yun! Tatlo na nga kaming anak na papalamunin, hindi pa nakuntento! Kumati pa!

Simula ngayon iba na ang kilala nilang Jocelyn. Hinding-hindi ko na uutuin ang sarili ko para subukin pang magkaayos itong bwisit na pamilyang ito! Hindi na!

Alas-singko na naman ng madaling araw. Biyernes na. Huling araw ng pasok. Parang ayoko ng bumangon pero kailangan kong pumunta kina Kim(ka-on kong tomboy) pagkatapos ng klase. Napatingin ako sa munting altar malapit sa kama ko. Tiningnan ko ito ng masama.Ayoko nang magdasal. Non-sense.

Pagbaba ko sa hagdanan, nagulat ako ng madatnan ko si lola. Hindi naman ito gumigising ng ganito kaaga.Nagpriprito ito ng Maling. "O, Lola. Bakit gising na kayo?" Napasimangot ako sa sagot nito. "Jocel, wala kasing iniwan na pera ang papa nyo sa akin. Ito. Ipagbabaon na lang kita. Nakapag-sangag na rin ako ng kaning lamig."

Mabuti pa si lola. Nagmamalasakit sa amin. Pero yung mga mismong gumawa sa aming magkakapatid e mga walang kwenta. Tiningnan ko yung ipiniprito nya. Napakakonti nito. Ito rin ata yung tira kagabi.

Kumuha ako ng baso at nagtimpla na ng kape. Magkakape na lang ako. Sinabihan ko si lola na ipakain na lang kay Jacklord at kay ate yung inihanda nya. Mamaya pang alas-otso at alas-diyes ang mga pasok nito. Nagsinungaling ako na may pera pa ako pangkain. Sapat na lang ito pamasahe papunta sa school. Wala naman akong ipon. Hihiram na lang muna ako ng pera kay Kim.

Si Kim ay kaklase ko nung 1st year highschool ako dito sa All Girls school. Pero nag drop out ito. Wala itong hilig sa pag-aaral. Marami syang bagsak na subjects. Nabibwisit sa kanya lahat ng teachers dahil pasaway ito at hindi marunong sumunod. Pero mahal ko ito. Kahit meron akong masasandalang barkada. Si Kim yung maituturing kong pinakamalapit sa aking puso. Kapag tinatamad akong pumasok sa klase, dun ako sa bahay ni Kim nagpapalipas ng oras. Kamukha nito si Chuck Perez.

Hindi naman ako nagcucutting classes nung elementary hanggang 2nd year highschool. Nagsimula lang akong tinamad mag-aral nung malaman ni mama na nambababae yung papa ko. Things got worst nung malaman nyang nabuntis pa nito ang kabit nya. Unti-unti akong nawalan ng gana sa pag-aaral.

Kahit ikaw ang nasa sitwasyon ko. Nakikita mo yung nanay mo na umiiyak araw-araw sa kwarto. Walang pagkain sa ref at walang pagkain sa lamesa pagkagaling sa eskuwela. Tambak ang labahin dahil hindi nya na magawa kahit paliguan ang sarili nya. Kaya siguro nanatili na sa amin si lola. Nakita nyang walang nag-aasikaso sa aming magkakapatid lalo na kay bunso na limang taon pa lamang ng mga panahong iyon. Masuwerte na kung gabi uuwi sa bahay ang hitad kong ama dahil palagi na itong inuumaga sa labas ng bahay.

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now