Chapter 16

1.7K 20 0
                                    

Kasalukuyang niyang binabagtas ang kahabaan ng Edsa nang biglang tumawag ang kanyang informant. Dali dali niyang itinabi ang kanyang sasakyan. Pagkarinig sa mga impormasyong ibinigay nito agad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan papalayo.

“I’m sorry Ravel, I will disobey your order. Ayaw kong madamay ka sa kasong hawak ko kaya hindi ko na ipapaalam ang plano ko ngayon.”

Magbubukang liwayway na ng makarating siya sa isang tagong lugar sa La Union kung saan dun gaganapin ang transaksyon ng organisasyon. Ichecheck nya muna ang lugar bago siya tumawag ng back up sa headquarter. Maingat niyang pinasok ang loob ng building. Pinagalaw niya ang kayang sensor device upang madali niyang madetect ang kinaroroonan ng grupo. Tamang tama ang dating niya dahil nagaganap na ang transaksyon ng grupo. Ginamit naman niya ang pamatay niyang spy camera upang makita ang mga ito sa malapitan. Nagulat siya sa nakita napasapo siya sa dibdib ng izoom in ang camera.

“Ravel? What the hell are you doing there?” Mabilisan ang ginawa niyang paghingi ang back up sa mga kasamahan. Ang isang spy camera naman niya ang kanyang pinagalaw at nakita niyang may mga task force member na nakapaligid dito at nagkukunwaring mga tauhan ni Ravel. “Anu bang pinaplano ng ungas na ito? He might be in danger kapag nakahalata ang grupo ng kalaban. No, hindi ako makakapayag kailangan kong makaisip ng paraan.”

Maya maya pa ay nagpaalam na ang mga ito sa isa’t isa dahil tapos na ang transaksyon ng mga ito. Nagulat na lang siya ng magpalitan ng putok ng dalawang grupo. Nagkukumahog siyang lumabas sa pinagtataguan at hinanap si Ravel. Nakita niya itong nakatago sa isang poste hawak ang baril.

Nagulat pa ito ng makita siya. No words from her basta niya ito niyakap sa sobrang pag alala, sa sobrang pagkamiss dito at sa takot na mapahamak ito. Halo halo ang emosyong nararamdaman niya. Mamaya na niya ito papagalitan ang mahalaga mailabas niya ito at maiiwas sa kapahamakan.

“What are doing here Baby?” tanong nito habang inaalis ang gomang nakakapit sa mukha na ginamit na pang disguise nito.

“I’m the one who will ask that to you. Pulis ako kaya ako nandito. Anung ginagawa ng asawa ko dito na dapat ay nasa Spain ngayon? Saka kana magpaliwanag pag nakalabas ako ng buhay dito. Icocover kita lumabas kana sa building na ito laban ko ito ayaw kong madamay ka.”

“Hindi ako aalis dito ng di ka kasama. Hindi ako papayag na mapahamak ka kahit ikamatay ko poprotektahan kita.”

Sa halip na sumagot siya hinila niya ito upang mailayo na niya ito sa lugar na iyon. Ngunit tumambad sa harapan nila ang pinuno ng grupo.

“Opps di pa tapos ang palabas paalis na agad kayo,” nakangisi itong humakbang palapit sa kanila. "Maganda ka pala sa personal Amber.” Agad namang siyang itinago ni Ravel sa likuran. “May sa pusa rin ang buhay mo ano? Akalain mong makakaharap pa kita ngayon. Ikaw ang malaking tinik sa negosyo ko. Siguro mas magandang sabay ko kayong patayin katulad ng ginawa ko sa kapatid mo.” Kinalabit nito ang gatilyo ng baril at itinutok iyon sa kanila.

Itinulak niya palayo si Ravel at hinarap niya ito. Nagtutukan sila ng baril. “Kahit ako, kahit sa panaginip ayaw kong makita ang mukha ng hayuk ang kaluluwang katulad mo. Wag na wag mong idadamay ang asawa ko, ako lang ang kailangan mo di ba? Tayo ang magtuos.  Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan.”  Tama ang hinala niyang ito nga ang pumatay sa kanyang kuya. Kailangan na niya itong mapuruhan para mahuli na ito. Narinig niyang dumating na ang back up nila sa pamamagitan ng kanyang headset.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon