Chapter 14

1.5K 20 0
                                    

“Bosing maaga ka atang aalis? May date ka?,” usisa sa kanya ni Myca.

“Bosing wag mo ng pansinin si Myca naiinggit lang yan,” salag naman ni Kaye.

“Di kami magdadate ni Ravel aattend lang kami ng reunion ng batchmate niya,” malungkot na sagot niya at tuluyan na siyang lumabas  habang naiwang tulala ang mga kasama niya.

“Announcing the arrival of prodigal son now a married man,” narinig niyang sabi ni Joshua ang malapit na kaibigan niya sa seminaryo. “Welcome Pare, kumusta ang bagong kasal?”

“So far so good. Nakakapanibago rin kahit papano. Ang hirap pala pag ikaw ang huling nag asawa sa lahat ng mga lumabas,” natatawa pa niyang tinapik ito sa braso.

“Di mo man lang ba kami ipapakilala sa bagong reyna ng Montenegro Empire?”, makulit na tanong ni Ian.

“Iba ka talaga Pare, akalain mo yun, may makakapagpatino rin pala sa puso mong lagalag, excited na kaming makita siya,” singit ni Jacob. Talagang pinagdiskitahan siya ng mga kaibigan nya. Noon pa man tsismoso na talaga ang mga ito lalo na pag tungkol sa buhay niya.

“You will meet her soon. Wait andyan na pala siya,” pagkasabi niya sabay sabay pa ang mga itong palingon.

“Nag aral ba talaga ang mga ito sa seminaryo? Mukhang hindi katiwa tiwala ang hilatsa ng mga mukha,” naitanong niya sa sarili habang naglalakad sa hallway. Nakapako ang mga mata ng mga ito sa kanya. Pakiramdam niya may mali sa kanya. Sinalubong siya ng kanyang asawang malapad ang ngiti at buong pagmamalaking hinalikan siya sa labi.

“Bakit mo ginawa yun? Nakakahiya. Mamaya ka sa akin pag uwi natin, mariing sabi niya kay Ravel at saka nagpakawala ng pekeng ngiti.

“Pare walang duda, kaya ka naman pala hindi mapakali sa loob dahil over qualified naman talaga ang reason mo sa paglabas mo,” sabi ni Ian.

“You’re right Pare she’s all worth it. Matinding frustration din ang inabot ko bago ko nagawa ang final decision ko,” narinig niyang sabi nito saka ito natigilan.

“Pare ipakilala mo naman kami sa asawa mo. Tulala kana naman,” maagap na sabi ni Joshua saka lang ito natinag.

“Mga pare this is my wife, Mrs. Amberleigh Villena-Montenegro. Famous animator at dubber sa Japan and,” natigilan na naman ulit ito.

“A Police officer under criminal investigation department,” maagap na sagot niya. “Nice meeting you guys.”

 

“Bakit kaya hindi maituloy ni Ravel ang pagpapakilala sa propesyon ko? Natatakot ba itong lalong asarin ng mga kaibigan? O dahil may iba pa itong mas malalim na dahilan.”

 

“Wow! Wala sa hitsura mo Amber ang pagiging pulis. You like a goddess sent from above,” sabi ni Lawrence.

“Pare, sang kanta mo nakuha yan? Ganda ng lyrics ha,” singit naman ni Joshua.

“A seminarian and a detective. Wow! What an incredible relationship. Congratulations to both of you kahit mukhang magkaiba ang pananaw ninyo sa mga bagay bagay you will became one because of love,” masayang sabi ni Trixie ang asawa ni Ian. “Di ba honey?,” saka ito yumakap sa asawa.

“Tama na nga ang papuri at asaran. Masyado na kaming nagiging celebrity ng asawa ko. Thank you Trixie, you are right we’d became a couple because of our love and our principle in life is not a reason for us to give up,” seryosong sagot nito at tumingin sa kanya.

Hindi siya komportable sa pagkakatitig nito kaya iniba niya ang atmosphere upang makatakas na rin sa puso niyang nagsisimula na namang lumakas ang tibok. “Let’s have fun. The night is still young for us,” masiglang sabi niya saka hinila ito sa isang table upang kumuha ng pagkain at maiinom.

“You’re so beautiful tonight. Kahit yata magsuot ka ng basahan at ihalo sa karamihan stand out pa rin ang ganda mo,” nakangiting bulong nito sa kanya. Siya naman ay napangiti rin sa papuring inabot dito.

“Thank you. Kumain ka ng marami sabi ng secretary mo di ka daw naglunch dahil marami kang tinatapos na trabaho,” pag alalang sabi niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito.

“May lagnat ka ba?,” sabay sapo nito sa noo niya. “I can’t believe this. You look so worried about me,” nakangiting sabi nito.

“Ang arte mo pukpukin kita ng baso,” namumula ang pisngi niya dahil aminado siyang nag worry talaga siya ng husto para sa kalusugan nito. Naisip na nga niyang ipagluto ito ng pagkain para may mabaon ito pagpasok sa opisina. “Ang sweet ko. Sige nga try ko bukas mukhang masarap sa pakiramdam ipagluto ang asawa ko.”

 

“My wife you’re blushing. Lalo ka tuloy gumaganda.”

Kinikilig naman ang puso niya sa papuring pinapaulan nito kanina pa sa kanya. Maya maya pa ang unti unting lumamyos ang musika at napuno rin ng mga magpartner ang dancefloor.

“Nakakainggit sila ano?, narinig niyang sabi nito.

“Anu namang nakakainggit sa kanila? Eh para nagsasayaw lang sila. Natural na gawin iyon ng mga taong nagmamahalan di ba?, nakagat niya ang kanyang labi dahil hindi niya alam kung tama na itanong niya ito sa asawa. Baka isipin nitong nagpaparinig siya.

“You’re right. Pero hindi rin tamang palalagpasin ko ang gabing ito na hindi ko naiisayaw ang asawa ko,” humarap ito sa kanya at inilahad ang kamay. “Can I dance with my Baby?”

Dumagundong ang tibok ng puso niya. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kanyang tuhod habang tinatanggap ang palad nitong nakalahad sa harap niya. Iginiya siya nito sa gitna ng karamihan. Pumikit siya habang dinadama ang pagkakadaiti ng katawan nila sa saliw ng malamyos na musika. He was too close to her. Too close to hold him. Too close to hug him, to kiss him, to tell him that she really loved him and she is willing to spend her lifetime with him. Nasa estado siya ng pag iilusyon nang biglang maalala na naman ang kalagayan ng relasyon nila. She felt Ravel’s kiss in her hair. Every move they made, she was carried away in every sensation that Ravel is given to her. Napayuko na lang siya at inaya na itong umupo sa malapit na table. Punung puno ng kasayahan ang gabing iyon pero hindi niya magawang mag enjoy. HInayaan niyang makipagbonding si Ravel sa mga batchmates nito at kaibigan. Binabalot siya ng matinding lungkot. Lungkot na habang buhay na niyang dadalhin oras na magkahiwalay na sila. Tahimik nilang binabagtas ang daan pauwi. Wala silang imikan. Hanggang sa mag ring ang telepono niya at ipinapatawag siya kinabukasan sa headquarter nila. Natapos ang buong gabing laman ng isip niya ang mga gagawin niya after nilang matapos ang drama nila ni Ravel upang makalimutan na rin niya ito ng tuluyan at makapagsimula ng panibagong buhay na wala  ni anino nito sa kanyang sistema.

 

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon