Chapter 12

1.7K 19 2
                                    

Nagkaroon sila ng munting salo salo sa bakuran nito. Dumalo ang kanilang mga magulang sa simpleng seremonya ng kasal na ginawa ng judge. May kasunduan na silang hindi nila paabutin ng walong buwan ang pagiging mag asawa nila alang ala sa girlfriend nitong si Olivia. Malakas rin ang kutob niyang malapit ng maresolba ang kasong pansamantalang ipinasa niya sa team ni Zairah. Nagpaalam na rin ang kanilang mga magulang at naiwan pa rin sila sa Batangas. Bakas sa mukha ng mga ito ang kasiyahan na dumating din sila sa usaping kasalan.

Pinili niyang lumayo muna sa grupo kung saan nakikisaya si Ravel. Umakyat siya sa treehouse at tahimik na nahiga habang pinagmamasdan ang malawak na kalangitan na punung puno ng mga bituin. Kahit noong bata pa siya paborito na niyang gawin ito. Pakiramdam niya nawawala lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman niya. Ngayon humaharap na naman siya sa panibagong yugto ng buhay niya – ang buhay may asawa pero may expiration kumbaga sa pagkain.

“Can’t sleep?, tanong nito sabay nahiga rin sa tabi niya. Umisod siya ng konti para hindi magkadikit ang balikat nila ngunit pinigilan siya nito. “Let’s stay in this way kahit ngayon lang,” malambing na sabi nito. Hindi na naman siya mapakali dahil sa nagsisimulang pagbilis ng kanyang puso. Hindi na siya kumibo bagkus ipinagpatuloy na lang ulit niya ang panonood.

“So what’s bothering you? Gusto ko lang malaman baka may maiitulong ako.”

“Ikaw,” sigaw ng utak niya. “Ah..eh.,” nauutal na sabi niya. Kinikiskis niya ang palad niya dahil nakakaramdam siya ng lamig dala ng hangin humahaplos sa kanyang katawan. Naramdaman siguro nito na giniginaw siya. Humarap ito at niyakap siya.

“Kanina ka pa ata nilalamig Baby, bakit di mo sinasabi di sana kanina pa kita niyakap,” seryosong sabi nito habang hinigpitan pa ang yakap at inihilig ang kanyang ulo sa katawan nito habang hinahaplos ang kanyang buhok.

“Ang sarap niyang yakapin. Heaven. Sarap pang singhutin amoy Baby.” “Yung sagot ko sa tanong mo kanina, iniisip ko kasi kung bakit bigla na lang nagdesisyon si Mam Zairah na ipasa sa kanilang team ang case ni Kuya. Malakas ang kutob ko na parang may pinoprotektahan sila or itinatago sa akin.”

“Itong bang Zairah na tinutukoy mo ay si Zairah Gomez?” “Baka naman talagang mas mapapabilis kung sila ang hahawak. Isa pa ikaw talaga ang target nung mga lalaking nagpaputok ng baril. Natatakot rin siguro sila para sa iyo.”

Tumango na lang siya pero iba pa rin talaga ang pakiramdam niya. “Yes siya nga. Kilala mo siya?”

“Oo. Naipakilala na siya sa akin ni Ravel dati. Lakas pa nga ng tama noon sa kuya mo.”

“Naging sila ba ni Kuya? Bakit wala siyang nabanggit sa akin?”

“Syempre hindi no? Pihikan ang kuya mo di tumulad sa akin very lovable.”

“Ang ipinagpapasalamat ko di tumulad ang kuya ko sa iyo kung hindi magbibigti na talaga ako,” binuntunan pa niya ng tawa. Iniba na niya ang usapan dahil ayaw niya muna itong bigyan ng stress.

“Ah ganun Baby? Okay babawiin ko na ang kasal natin bukas na bukas din,” nagtatampong sabi nito na parang bata. Tawa lang siya ng tawa.

“Sige na nga hindi na kita aasarin baka makaiyak ka pa dyan. Matulog na tayo,” nauna pa itong tumayo para lang alalayan siyang makatayo. Sa guestroom siya natulog at ito naman ay sa kwarto nito.

Maaga siyang nagising kinabukasan. Nagulat pa siya dahil may bulaklak sa mesa na malapit sa kanya. May card iyon at kinuha niya upang basahin.

“Here’s the morning flower for my lovely wife. Hope you like it. See you at treehouse. From your lovable, huggable and kissable husband.” Natawa na lang siya sa mensahe nito. “Hindi na ako magtataka kung panu naging totoo ang description mo sa sarili mo Ravel, ito oh ang ebidensya,” kinikilig na bulong niya sa sarili. Dali dali siyang nagshower ayaw niyang paghintayin ito ng matagal.

Papaakyat na siya sa treehouse ng makita itong may kausap sa cellphone. Sa halip na tumuloy, bumaba muna siya upang bigyan ito ng privacy ngunit natigilan siya ng marinig niyang si Olivia ang kausap nito. Nag uusap ito ng masinsinan gamit ang ibang lenggwahe. Kung hindi siya nagkakamali Spanish language ang gamit ng dalawa. Tamad lang siya noong mag aral ng ibang lenggwahe kaya Nihonggo, English at Tagalog lang ang alam niyang gamitin.

Napaupo na lang siya sa sobrang panginginig ng tuhod ng marinig niyang magpaalam ito sa kausap at binitiwan nito ang salitang lalong ipinagngitngit ng kalooban niya. “Natural lang mag I love you siya sa kanyang girlfriend.” Matagal na niyang inamin sa kanyang sarili na mahal niya ito pero ang katotohanang may mahal itong iba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon pilit niyang itinatago ang nararamdaman para dito.

“Sorry di ko na namalayang andyan kana pala. Si Olivia kasi naglalambing kaya tinawagan ko muna habang hinihintay ka,” nakangiting sabi nito sabay hila ng upuan para makaupo siya.

“It’s okay you don’t have to explain,” nakangiti ring sagot niya upang pagtakpan ang sakit ng malapit ng gumuhit sa mukha niya. Kumuha na ito ng pagkain at inilagay sa plato niya. Nagsimula na silang kumain. Wala siyang imik dahil ang totoo nahihiya siya dito.

 “Gusto mo bang mamasyal? Maghapon kana naman kasing magbababad sa kwarto mo? We can go to Taal Lake if you want,” binasag nito ng tanong ang katahimikang kanina pang bumabalot sa kanila.

“Pwede bang sa ibang araw na lang? May pinag aaralan kasi akong bagong lead sa kasong hawak ko ngayon,”seryosong sagot niya. Ang totoo gusto niya itong makasama kaya lang ayaw niyang masanay sa ganoong sitwasyon dahil magkakahiwalay rin naman sila. Hindi na ito nagpumilit pa.

Nagkulong na lang siya sa kwarto upang makapagfocus sa mga hawak niyang report para sa undercover investigation nya sa kaso ng Takuyushi Org. ng biglang tumawag ang isang informant niya. May bagong impormasyon itong sinabi sa kanya na agad na itinawag niya kay Philip. “Konting panahon na lang Kuya matatapos ko na ito,” nasabi na lang niya sa sarili.

Magkausap sila ni Michiko thru video call sa kanilang laptop. Gusto nya lang kumuha ng update tungkol sa mga device na ipinapagawa niya dito.Narinig niyang may kumatok ngunit di na lang niya pinansin kung sino man iyon.

 “Baby, kumain ka muna kanina ka pang nagtatrabaho. Ayaw kong magkasakit ka baka-, hindi na nito itinuloy ang sasabihin at nanatiling nakatayo sa likuran niya. Siya naman ay di mapuknat ang pakikipag usap sa kasama nito. Ngunit naramdamang niyang naglakad na palayo si Ravel kaya dali dali siyang nagpaalam kay Michiko habang bakas ang magandang ngiti niya sa labi.

“Sandali lang Ravel. Bakit aalis kana di mo man lang ba ako sasamahang kumain? Mukhang masarap itong dala mo,”masiglang bati niya habang tinitingnan ang laman ng basket.

“Hindi na. Mukha namang okay kana dyan sa kausap mo. Alukin mo baka gustong sabayan ka,” inis na sagot nito at umupo muna sa sofa malapit sa kanya.

“Ang arte mo,” binato niya ito ng unan. “Mr. Montenegro hindi bagay sa iyo ang ganyang reaksyon. Nakakangilo.”

“Nakakainis lang kasi, ako ang asawa mo pero hindi mo man lang ako matapunan ng ngiting kanina ko lang nakita sa iyo habang kausap mo ang Hapon na mukhang bisugo na yun.”

“Hoy Mister below the belt na yan ha. Ayaw ko sanang isiping nagseselos ka,” natatawa pa siya. “Pero Pare hindi pa rin bagay sa iyo ang magselos. Nagmumukhang kamatis ang mukha mo.”

“Ayan kana naman eh sa pang aasar mo. Hindi ako nagseselos magkikita na rin kami ng girlfriend ko baka ikaw na naman ang magselos dyan,” ganting asar nito sabay subo nito sa kanya ang kutsarang may lamang pagkain. Nagulat man pero tinanggap na rin niya.“Sana ganito na lang kami lagi. Yung maging totoo kaming mag asawa. Kaya lang lagi namang may panghihinayang sa huli.”

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon