Second Chance

30 3 0
                                    


James POV

Urrgghhh , BAKIT PA BA KASE SIYA BUMALIK ? Hindi ako makapag isip ng matino kapag nakikita ko sya . Eto ako ngayon , sulat ng sulat ng kung anu-ano sa notebook ko hinihintay tumunog yung bwiset na bell na yan .

*Kriiiiing*

And there we go . Lumabas na agad ako ng room , ayoko ng makita yung babaeng yun . Binilisan ko yung paglalakad ko baka kasi sundan pako nun . Sa sobrang pagmamadali ko may naka bunggo akong babae .

Me :"Ayy sh*t , sorry miss"sabi ko dun sa babae sabay tinulungan ko tumayo .

Girl :"Omaaaaaaayaaaaaad ! Hinawakan ni James yung kamay kooo !" Tili nya . Nakakabanas ang sakit sa tenga .

Sobrang pangit talaga ng araw na to .
Pagkadating ko sa parking lot sumakay agad ako ng kotse ko at pinaharurot to .

Dumiretso ako ng bahay at naabutan ko si Dad na nagbabasketball sa likod ng bahay namin . May half court kasi doon .

Napansin naman ako ni Dad .

Dad :"Oh James andyan kana pala . Laro tayo ?" yaya nya sakin .

Me :"Ah sige Dad minsan lang to eh "sagot ko naman .

Pinasa sakin ni Dad yung bola . Tumira ko sa 3 point line pero hindi manlang umabot sa ring .

Dad :"Mukhang may problema ka anak ah ?"worried nyang tanong sakin .

Me :"Pano mo nalaman Dad ?"

Dad :"Sus , varsity ka ng baketball pero kumapos yung shot mo ? Spill it out anak"

Me :"Okay okay , pero pustahan tayo dad . Paunahan tayo maka 5 points ,1 point kada shoot . Kapag nanalo ka sasabihin ko yung problema ko " hamon ko sa kanya .

Dad :"At ano naman kapag nanalo ka ?"tanong niya .

Me :"You'll buy me the newest sports car na ilalabas next year " sabi ko sabay ngisi .

Dad :"Yun lang ba ? Bring it on"

Nag jumpball kami ni Dad at dahil mas matangkad sya sakin syempre ako nakakuha hahaha .

Tinira ko naman agad at naka score agad ako .

Me :"Pano bayan Dad mukhang mahihirapan ka ah "sabay tawa .

Dad :"Hindi pa tapos anak"

~~**~~

Hayyy , grabe si Dad hindi manlang ako pinagbigyan . Naka isang point lang ako , Dating PBA player eh :3 .

Dad :"Oh ano anak ? Sabihin mo na"

Me :"Kase Dad eh , kilala mo si Anne Dad diba ?"tanong ko sa kanya.

Dad :"Ah yung girlfriend mo dati ? Hindi ko na nakikita yun ah"sabi nya . And yes pinakilala ko kasi sya kila Dad nung kami pa . Hindi naman ako hinihigpitan ni Dad basta daw I know my limitations .

Me :"Yes Dad , alam mo naman yung dahilan ng breakup namin diba ?"tanong ko sa kanya .

Sumerseyo naman yung mukha ni Dad .

Dad :"Yes anak ,so anong problema ?"

Me :"Kasi Dad , bumalik ulit sya . Nagtransfer sya sa school namin . Hindi ko talaga alam kung bakit ba sa dinami dami ng school ay talagang dun pa sya nag enroll ."

Dad :"Continue"

Me :"Nung pagkakita ko pa lang sa kanya , bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon . At ang matindi doon Dad , nag confess sya sakin na mahal pa din daw nya ako . Na hirap na hirap daw sya nung naghiwalay kami . Hindi daw sya sanay na wala ako sa tabi nya . Na nagsisi na daw sya . Hindi ko talaga alam kung paniniwalaan ko pa ba sya . Minsan nako nagtiwala sa kanya pero sinira nya lang . Dad , do you think she deserves a second chance ?"dire-diretso kong sabi .

Mr. CassanovaWhere stories live. Discover now