Friendship

51 3 2
                                    


James POV

Pagkatapos namin kumain ay nagsiuwian na kami . Masaya palang kasama yung tatlong bago kase nakikisakay sa mga trip namin ni Geon .

Hinatid ko muna si Geon sa kanila at pumunta kila Pandak . Gusto ko kasing ma-solo tong babaeng to .

Charlene :"Tara panget . Movie Marathon tayo"

Me :"Tara"masaya kong sabi .

Pagkapasok namin nakasalubong namin and Mom and Dad nya .

Me :"Good afternoon po Tito , Tita" sabay mano .

Tito :"Oh James napadalaw ka"tanong nya sa akin

Me :"Ah opo namiss ko po kasing ka bonding si Pandak"sabay ngiti ng nakakaloko kay Charlene.

Charlene :"Tse ! Mauna kana sa Movie Room kukuha lang ako ng pagkain"sabay layas papuntang kitchen nila.

Tita :"Hay kayo talagang magbestfriend lakas mag asaran , O sya maiwan na muna namin kayo at bibili muna kami ng iluluto mamayang dinner"at umalis na sila tita .

Dahil malakas ang trip ko sa kwarto ni Pandak ako dumiretso . Ayoko dun sa Movie Room nila walang higaan .

At humilata na ako sa kama nya . Maya maya lang narinig ko na yung yapak ni Pandak papunta sa dito sa kwarto nya .

Charlene :"Sabi ko sa Movie Room hindi sa kwarto ko!"medyo inis nyang sabi .

Me :"Sorry na ! Dito nalang tayo pagod nako eh" umupo na ako at tumabi naman sya sakin .

Tumayo sya at sinet up na yung papanoorin namin . Expected ko na movie nanaman ni Daniel Padilla yung isasalang nya pero ewan ko kung ano ang nakain neto at Paranormal Activity ang na tripan nya .

Sanay na kami sa horror movies kaya hindi na kami nagugulat or natatakot pag nanonood kami ng ganyan .

Charlene :"Kamusta ka na nga pala ?"she asked while looking at the TV .

Me :"Ayos lang , pero hirap parin akong mag move on sa kanya eh " i answered .

Charlene :"Hayy , ilang taon na ang lumipas but your still not over to her ?"then tumingin na sya sakin .

Me :"Alam mo naman kung paano ako tinamaan sa kanya diba ? Umikot sa kanya ang mundo ko kaya eto ako ngayon hirap ibalik ang nagulo kong mundo"i said.

Charlene :"Eh bakit ginusto mong maging cassanova ?"

Me :"Ginagawa ko to kasi kapag nambababae ako nakakalimutan ko sya kahit saglit lang . Kesa uminom ako ng uminom sakit lang sa ulo ang makukuha ko"

Charlene :"Hayy , wala akong magagawa kung yan ang gusto mo pero ang payo ko lang sayo . Buksan mo ang puso mo at magmahal ulit yun lang ang sagot sa problema mong yan"
she said .

Me :"Ayoko muna pandak , hindi pako handa . Kahit buksan ko yung puso ko para sa iba mahihirapan parin akong magtiwala sa kanila kasi isang beses nakong nagtiwala ng buo pero gin*go lang din ako"kinuyom ko yung kamao ko .

Charlene :"Okay okay , basta andito lang ako kahit anong mangyari"then she hugged me . Gumaan naman ang loob ko sa sinabi nya .

Me :"Thanks , im lucky to have a bestfriend like you"i hugged her back.

Charlene :"Sus , eh ikaw din naman eh pag malungkot ako kino-comfort mo din naman ako . Aanhin pa natin ang pagiging mag bestfriend natin kung hindi tayo magdadamayan diba ?"at tumawa kaming dalawa .

Hayy , buti nalang at may bestfriend akong babae . Pag si Geon kasi kinwentuhan ko ng ganto pagtatawanan lang ako nun.

***
Bumaba na kami sa kwarto nya nung mabagot na kami sabi ko kay Pandak uuwi nako .Palabas na sana ako ng pinto nila ng makita ko ulit sila Tita .

Tita :"Ah James pauwi kana ba ? Dito ka nalang kumain ng dinner tutal luto naman na yung ulam"she said while smiling.

Me :"Ah sige po . Ngayon nalang po ulit ako makakakain dito eh hehe"nahihiya kong sabi .

Pumunta na kami sa Dining room at nakita ko si tito na
kinukulit ni Pandak .

Tito :"Oh iho . Dito ka mag di-dinner ? Maupo ka ."

Me :"Ah opo , Thank you po " at umupo ako sa tabi ni Pandak .

Charlene :"Grabe ka dito ka pa makikikain wala bang pagkain sa inyo ?"pabulong na sabi niya sakin .

Me :"Baliw ! Niyaya ako ni Tita na dito na daw ako kumain . Nakakahiya naman kapag tinanggihan ko si tita"bulong ko din sa kanya .

Charlene :"Glutton"bulong niya ulit .

Me :"Anong glutton ? Hindi naman ako sobrang lakas kumain . Purkit ikaw parang hindi kumakain kasi ang payat mo"sagot ko sa kanya at tumawa kaming dalawa .

Lagi kasi kaming ganto pag makikikain sa kanila . Lumabas na si tita galing sa kitchen nila at may dala dalang sinigang na hipon . Mmmm , my favorite .

Tita :"Gutom na ba kayo ?" she asked .

Me :"Opo , amoy palang tita masarap na "i said

Tita :"Sus James ang galing mo talagang mambol"at tumawa naman sina Tito at Pandak .

Kumain na kami at nagkwentuhan . Inaasar nga ako ni Pandak kasi naubos ko yung ulam . Sorry na paborito ko eh . Haha .

Naisip ko nang umuwi pagkatapos naming kumain . Nagpaalam muna ako kila tita at hinatid ako ni Pandak hanggang sa labas ng gate nila .

Charlene :"Huwag kana ulit makikikain ka dito ah"natatawa nyang sabi .

Me :"Asa , kakain pa din ako dito sa susunod . Minsan na nga lang eh"

Charlene :"Sige na chupi na umuwi kana"

Me :"Haha sige . Salamat nga pala kanina ah ikaw lang naman pwede kong kwentuhan nun eh . Sige goodnight"at umalis nako .

Siguro kung wala ang bestfriend ko mag isa ko lang dadalhin lahat ng problema ko
***

Itutuloy ...

Mr. CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon