Her Hero

31 2 2
                                    

A/N : Paalala , Meron pong scenes na medyo marahas , pero i hope magustuhan nyo .

***

James POV

Pagkatapos kaming lokohin ng coach namin nag kanya kanyang uwian na kami . Hindi sumabay sakin si Geon kasi may dala din syang kotse . Mayaman din kasi eh -.- .

Habang nag da-drive ako . May nakita akong tatlong lasing na lalaki na parang may hinaharas na babae .

Hindi ko masyadong makita kasi medyo madilim na , kaya nilapit ko ng konti yung kotse ko .

Nakita ko yung babae na umiiyak , Teka ! Si Janna yun ah !
Napababa agad ako ng kotse ko ng makita ko sya at tumakbo papalapit sa kanila .

Narinig ko yung sinasabi nung mga tar*ntadong lasing na mga to sa kanya .

Guy 1:"Tara na miss sumama ka na samin , sayang naman kung hindi namin matitikman yang ganda mo"sabay kapit sa braso ni Janna .

Janna :"Ayoko nga ! Layuan nyoko!" Nandidiri at umiiyak na sabi nya .

Guy :"Abat sumasagot kapa ah " hahalikan nya na sana si Janna pero naunang lumapat yung kamao ko sa mukha nya . Napahiga sya sa semento pero tumayo naman agad .

Guy 2:"G*go kang bata ka ! Sino ka para suntukin ako ? Kilala mo ba ako ?"tanong nya ng galit na galit .

Me :"G*go ka rin . Wala akong pakialam kung sino kapa . Kung ayaw nyo ng sakit sa katawang tatlo umalis na kayo dito"sabi ko at tumingin kay Janna . "ayos ka lang ba ?" Nakangiti kong sabi .

Nakita kong tumingin sya sa likod ko at nanlaki ang mata .
Tumingin naman ako at nakita ko yung isang lalaki na may hawak na balisong at susugurin ako .

Umiwas ako pero huli na . Nasaksak nya ako sa braso .

Janna :"James !"sigaw ni Janna at lalapit sana sya sakin pero sumenyas ako na wag . Baka kasi madamay pa sya dito .

Napakapit ako sa braso kong dumudugo ngayon . Kumikirot pero parang wala na sakin . Manhid nako eh .

Nakita kong tumatawa yung tatlong lalaki .

Guy 3:"Ano totoy ? Kaya mo pa ?"natatawa nyang sabi .

Ngumisi naman ako at tumawa ng malakas .

Me :"HAHAHAHA"sabay tingin sa kanila "Mga mayayabang kayo pero duwag naman pala kayo , kailangan nyo pa ng balisong kahit isa lang kalaban nyo?"and i shot them my deadliest glare .

Guy 1:"Matapang talaga tong batang to , kawawa ka naman . Dito na magwawakas ang buhay mo" at sinugod nila akong tatlo .

Unang sumugod yung may balisong . Sasaksakin nya na sana ako pero naiwasan ko . Sinikmuraan ko sya kaya nabitawan nya yung balisong kaya pinulot ko agad at sinaksaksak sa binti nya .

Mangiyak ngiyak sya sa sakit pero hindi ko na sya pinansin . Tinuon ko naman yung tingin ko sa isang lalaking pasugod na sakin .

Nakita kong susuntok sya pero mahina lang yung suntok nya kaya nasalo ko yung kamao nya . Hinawakan kp ng maigi yung kamao nya pati yung braso nya at tinuhod ko yung siko nya *crack* narinig ko yung pagkabali ng buto nya .

Guy :"Arghh"ungol nya .

At tinadyakan ko sya papunta sa kasama nyang nakahiga din . Nakita kong tinititigan ako ng masama nung isang lalaking natitirang nakatayo .

Me :"Ano titingin ka nalang ba dyan ?"sabay ngisi .

Pero nagulat ako ng may hugutin sya mula sa likod nya . Hindi ko maaninag kung ano . Pero ng maliwanagan ng buwan . May makinang syang hawak at alam ko na kung ano yun . Isang handgun .

Mr. CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon